Viral koala na nailigtas sa sunog, tuluyan nang "pinatulog"

Viral koala na nailigtas sa sunog, tuluyan nang "pinatulog"

- Pumanaw na ang nag-viral na koala sa Australia na si Ellenborough Lewis

- Ayon sa ospital na nangalaga rito ay kinailangan nilang i-euthanize ang koala matapos masuri ang pinsala rito dahil sa sunog

- Matatandaang nag-viral ito matapos itong matapang na iniligtas ng isang babae mula sa bushfire

- Ayon sa mga ulat, tinatayang daan-daang koala ang nasawi dahil sa mga insidente ng bushfire

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Malungkot na balita ang bumungad sa mga netizens sa social media kagabi matapos mapabalitang pumanaw na ang koala na si Ellenborough Lewis.

Ayon sa Koala Hospital sa Port Macquerie na siyang nangalaga dito, kinailangan nilang i-euthanize ang koala matapos masuri ang tinamo nitong paso, base sa ulat ng ABS-CBN News.

"Today we made the decision to put Ellenborough Lewis to sleep," ayon sa ospital.

Matatandaang nag-viral si Lewis matapos itong matapang na iniligtas ng isang babae mula sa bushfire.

Kinilala ang babae na si Toni Doherty.

Paliwanag pa ng ospital, mas lumala ang pasong tinamo ni Lewis at sinabing: "unfortunately, would not have gotten better."

"The Koala Hospital's number one goal is animal welfare, so it was on those grounds that this decision was made," dagdag pa ng ospital.

Ayon naman sa grupong Koala Conservation Australia, tinatayang daan-daang koala na naninirahan sa north coast town ng Port Macquarie ang nasawi sa mga bushfires.

Ikinalungkot naman ng mga netizens ang balitang ito.

"Rest well Lewis no more pain...thank you to the courageous lady who saved him from the raging fire and the vet who took care of Lewis. God Bless! Rest in peace climb high Lewis."

"I’m so sorry. My heart broke today."

"i really feel so very sad.heartache."

"OMG,,,i literally shouted upon reading this,,,,sad sad sad."

"Ay kakalungkot naman. Akala ko ok na siya."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel