Desserts at salad para sa mga atleta, umani ng samu't saring reaksyon sa socmed

Desserts at salad para sa mga atleta, umani ng samu't saring reaksyon sa socmed

- Napa-react ang mga netizens sa ilang larawan na nagpapakita ng mga pagkaing inihain sa mga atleta sa Athletes’ Village Dining Hall sa New Clark City

- Ibinahagi ng isang FB page ang mga larawan ng desserts at salad para sa mga atletang kalahok sa 30th SEA Games

- Mayroong mga pumuri sa mga ito habang mayroon ding patuloy na bumatikos dito

- Matatandaang umani ng mga negatibong reaksyon ang ilang aberya sa SEA Games

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang larawan ang ibinahagi ng Facebook page na Turismo Central Luzon kung saan naitampok ang ilang pagkaing inihain sa mga atleta sa Athletes’ Village Dining Hall sa New Clark City.

Makikita sa mga larawan ang vegetable salad at ilang klase ng desserts na maayos na nakahain sa buffet tables para sa mga atletang kalahok sa 30th SEA Games na kasalukuyang ginaganap sa Pilipinas.

Talaga namang napa-react ang mga Pinoy netizens sa mga larawan.

Mayroong humanga at pumuri rito ngunit mayroon pa ring patuloy na bumatikos sa gobyerno.

Matatandaan umani ng sunod-sunod na pangbabatikos ang gobyerno dahil sa ilang aberyang naiulat kaugnay ng SEA Games.

Sa isang ulat ng KAMI, nag-trending pa nga ang hashtag kikiam sa Twitter Philippines matapos ireklamo ang inihaing agahan para sa mga atleta.

"Let's support our athletes and our government. Instead of complaining let's show the remarkable Filipino spirit we are known for...our being hospitable.. Stop the hate."

"Good job! Our champions and delegates deserve ds kind of food and services! Sana gnyn na ung services nung 1st day p lng nla dto.. D n sana tau npahiya.. Still, congrats to the team behind this."

"This! It's perfect. Kudos, Filipino chefs and servers."

"Expecting for more good news. We step up! One pride. We are known for being hospitable."

"In behalf of all the Filipinos we extend our apologies to all SEA Games participants for the inconveniences you are experiencing."

"looking for Kikiam."

"Buti pa ung sa mga probinsya magaganda.. ung mga nasa metro manila.. haay."

"pantakip doon sa mga napalpak! ano na ang nangyari sa kapalpakan may improvements ba? ipakita nyo para maniwala kami. mabuti na yong pinapakita ang katotohanan kaysa sa mga balatkayo na kasinungalingan!"

Narito ang mga larawan mula sa Philippine Star:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel