Boom! Away ng 2 motorista, idinaan sa kanilang mamahaling sasakyan

Boom! Away ng 2 motorista, idinaan sa kanilang mamahaling sasakyan

- Parehong hindi papatalo ang dalawang motorista na nagkagirian sa kalsada

- Sa isang viral video, makikita ang dalawa na idinaan sa kanilang mamahaling mga sasakyan ang alitan

- Makikitang sadyang nagbubungguan ang dalawa at tila walang pakialam sa pinsala nito sa kanilang mahal na "ride"

- Sa kasalukuyan ay umabot na sa isa't kalahating milyon ang views ng nasabing video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mukhang parehong ayaw magpatalo ng dalawang motorista sa isang viral video na idinaan ang away sa kanilang mga mamahaling sasakyan.

Sa Facebook video na ibinahagi ng netizen na si Frncz Beat Pandato, makikita ang dalawang itim na sasakyan na naggigirian sa gitna ng kalsada.

Kita rin ang sadyang pagbubungguan ng mga ito at tila walang pakialam sa magiging pinsala sa kanilang mahal na "ride".

Natapos lamang ito ng agresibong umabante ang isa sa mga ito dahilan para mapaatras ang sasakyan ng kaalitan nito.

Ngunit hinabol pa muli ito at muling binunggo ng agresibong kaalitan.

Hindi naman malinaw kung saan nagsimula ang away ng mga ito.

Sa kasaluluyan ay umabot na sa isa't kalahating milyon ang views ng nasabing video.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"bukas yan,baril barilan nmn daw,ha ha ha ha."

"Dmi pera nyan pre cgurado."

"away ng insurance company na sunod hahahahha."

"masakit nyan driver ung isa tapos isa owner mismo."

"kesa daw magsuntukan pre..magbabasagan p cla ng mukha..gawin nlng daw nla bump car..hahaha..yayamanin!"

"Mayayaman yan mate maypang paayos."

"Mga transformers yan, Hindi lang nagtransform madami tao, kaya nagbanggaan nalang cla."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel