Volunteer worker ng venue ng SEA Games, naaksidente dala ng puyat at pagod

Volunteer worker ng venue ng SEA Games, naaksidente dala ng puyat at pagod

- Isang volunteer worker mula DPWH ang naaksidente habang nagtatanggal ng scaffolding sa Rizal Memorial Sports Coliseum

- Umulankaya nadulas ang volunteer at inaming halos 24 oras na silang nagtatrabaho roon upang matapos lamang ang venue alas tres ng hapon ng Nobyembre 26

- Nagtamo ito ng fracture sa bungo at nagkaroon din ng pagdurugo

- Bagaman at wala raw ideya ang DPWH-North Manila na naroon ang kanilang worker, magbibgay pa rin daw ito ng tulong pinansyal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nadulas at nahulog ang isang volunteer worker habang nagtatanggal ng scaffolding sa Rizal Memorial Sports Coliseum, tanghali ng Nobyembre 26.

Ayon sa panayam ni Ian Cruz kay Richard Delos Santos, ang volunteer worker sa isa sa mg pagdarausan ng SEA Games, sadyang madulas daw ang bakal na kanyang tinutungtungan nang siya ay madulas.

Dumagdag pa rito ang pag-ulan at ang matinding pagod at puyat. Sinabi nitong halos 24 na sila roon at nasa 25 pa niyang kasama upang matapos ang venue sa ganap na 4:00 ng hapon. Natapos naman nila ito ng alas tres ng hapon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinabi pa ni Delos Santos na mula sila sa DPWH North Manila at dinala venue na ito ng SEA Games upang mas mapabilis daw na matapos ang lugar.

Samantala, wala raw ideya ang DPWH North Manila na naroon ang mga trabahante nila ngunit nangako naman na sila na magbibigay ng tulong pinansyal sa volunteer.

Nagtamo ito ng pagdurugo at fracture ng kanyang bungo. Umaasa ang misis nito na di maooperahan ang asawa at ang lahat daw sana ay masala na lamang sa gamot.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel