Abogadong sumuporta sa gurong inireklamo kay Tulfo, nilinaw ang saklaw ng child protection policy

Abogadong sumuporta sa gurong inireklamo kay Tulfo, nilinaw ang saklaw ng child protection policy

- Nag-viral ang post ng abogadong sumuporta sa gurong inireklamo kay Tulfo

- Binigyang linaw nito ang nasasaklaw ng child protection policy na nararapat lamang na iapatupad sa mga paaralan

- Napapaloob sa "special parental authority” ang ginawa ng guro sa estudyante sa kontrobersyal na reklamo kay Raffy Tulfo

- Bagaman at nagkaayos na ang dalawang panig, tila di pa rin humuhupa ang isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang post ni Atty. Joseph Noel M. Estrada kahapon, Nobyembre 25 patungkol pa rin sa nagawa ni Teacher Melita Limjuco, ang gurong inireklamo sa Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo.

Binigyang linaw ni Atty. Estrada ang ginawa ni Teacher Melita na nasasakupan daw ng “special parental authority” kung saan ang mga guro ay tumatayong mga magulang ng mga bata sa paaralan. Ito ay kasama sa Family code ng ating bansa.

At tulad ng tunay na mga magulang, ang mga guro ay nagagalit, nagtataas ng boses na bahagi lamang daw ng pagdidisiplina ng bata.

Kaya naman ang pagpapalabas sa bata ay bahagi lamang daw ng “special parental authority.”

Nilinaw din niya ng bahagya ang patungkol sa child protection policy.

Gaya na lamang ng nagawa ng gurong inireklamo, hindi raw nangangahulugang pinalabas ang bata ay pang-aabuso ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umani ng samu't saring reaksyon ang viral post na ito.

Samantala, nagkaayos na ang panig ng magulang at panig ni Teacher Melita sa harap mismo ng isang opisyal ng Department of Education.

Ang lahat ng napag-usapan ay patungkol sa kapakanan ng bata. Inaasahang babalik na sa pagtuturo ang guro at papasok na rin sa klase ang bata.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel