May-ari ng karinderya, libreng pinakakain ang lolo na namumuhay na lamang mag-isa

May-ari ng karinderya, libreng pinakakain ang lolo na namumuhay na lamang mag-isa

- Isang may-ari ng karinderya sa Kalibo ang taos-pusong tumutulong sa matandang nabubuhay na lamang mag-isa

- Mangangahoy ang matanda at kung walang kita ay pinakakain na lamang niya ito ng walang bayad

- Isang OFW ang naantig sa kwento ng dalawa, kaya naman nagpadala ito ng tulong sa may-ari ng karinderya upang mapalago ang negosyo at nabigyan din ng biyaya ang lolo

- Laking pasalamat ng dalawa sa natanggap na maagang pamasko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 76 anyos na lolo ang namumuhay na lamang mag-isa sa buhay sa Altavas, Aklan ang nabiyayan ng tulong dahil na rin sa taong araw-araw nagmamalasakit sa kanya.

Binahagi ng news anchor ng Energy FM Kalibo na si Archie Hilario ang nakakaantig ng puso na kwento ng matanda na taos-pusong tinutulungan ng isang may-ari ng karinderya.

Ayon sa may-ari, naawa siya sa matanda na bukod sa may kalayuan ang tinitirhan at mag-isa na lamang namumuhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging emosyonal pa ang may-ari ng kariderya habang kinukwento ang kalagayan ng lolo.

₱30 lamang daw ang kinikita ng lolo sa pangangahoy at kamalasan ay wala pa minsan.

Kaya naman nagmamalasakit ang may-ari ng karinderya na pakainin na lamang ang lolong alam niyang hirap sa buhay.

Dahil dito, isang OFW na masugid na tagasubaybay ng programa ang nagpaabot ng tulong sa lolo gayundin sa may-ari ng karinderya para makatulong pa ito sa mga taong tulad ng lolo na nangangailangan talaga.

Lubos na nagpasalamat ang dalawa sa natanggap na biyaya at tunay na pinagpapala ang mga taong may mabubuting puso.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the streets. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica