Plot twist! OFW na balik Pinas, sinurpresa ng pamilyang isusurpresa niya sana

Plot twist! OFW na balik Pinas, sinurpresa ng pamilyang isusurpresa niya sana

- Sa isang online video, makikita ang pagiging emosyonal ng isang Pinay OFW nang umuwi siya sa Pinas

- Imbis na masurpresa niya ang pamilya niya, siya ang sinurpresa ng mga ito

- Laking gulat ng Pinay OFW nang makita ang surpresang hinanda para sa kanya ng pamilya niya

- Samantala, natuwa rin naman ang mga netizens sa surpresang ginawa ng pamilya para sa OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang kakaibang surpresa ang nangyari sa isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) nang bumalik siya sa Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na imbis na surpresahin niya ang pamilya niya, siya ang nakatanggap ng surpresa.

Makikita sa Facebook video na pinost ng page na Fumiya and YamYam na labis ang gulat ng OFW sa surpresa sa kanya.

“Yung gusto mung surpresahin ang pamilya mu sa pag uwi peru ikaw amg nasurprisa,” ang sabi nito sa caption.

Iyak nang iyak ang Pinay at panay nga ang yakap niya sa kanyang pamilya. Binigyan siya ng bulaklak at may balloons pang nakasabit na may nakalagay na “Welcome home.”

Ipinakita rin sa video ang naging usapan ng pamilya para sa surpresa nila sa Pinay OFW.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, natuwa naman ang mga netizens sa surpresang ginawa para sa OFW. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Nakakataba sa puso na isupresa ka ng pamilya mo sarap sa pakiramdam...sana nmn all..”
“Di nio poh alam gaano kasaya makasama m family...”
“dpat talaga ganito ang pagsalubong sa mga mahal nating sa buhay na nag sacripisyo sa ibang bansa para sa pamilya..Godbless”
“sana all nakakainggit”
Sarap sa pakiramdam yung sinorpresa ka ng pamilya mo”
“Nakaka touch sa dibdib ahh parang gusto kung maranasan sa family's ko”
“sweet nman ng family niya... sana all”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Public Pranks! This prank involves Pennywise, the monster clown from the hit movie "It"! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel