Turista naikulong dahil sa dalang tawas na napagkamalang droga

Turista naikulong dahil sa dalang tawas na napagkamalang droga

- 14 na oras na nakakulong ang isang turista sa Singapore nang mapagkamalang iligal na droga ang dala niyang tawas

- Nakalagay kasi ito sa isang maliit na ziplock bag na madalas ding paglagyan ng ipinagbabawal na gamot

- Nakita raw ng hotel staff ang sachet ng tawas na inakalang droga kaya naman nagsumbong ito sa kinauukulan

- Dahil diskumpiyado ang awtoridad, pinosasan pa rin sila at nakulong

- Labis na ikinasama ng loob babae ang pangyayari dahil trinato silang parang kriminal nang araw na iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matinding kahihiyan ang inabot ng isang Indonesian na turistang si Sharonia Paruntu na napagkamalang may dalang droga sa W hotel sa Singapore.

Ayon sa Coconuts, nagdiriwang lamang noon ng kaarawan si Sharonia nang bigla silang nabulabog ng mga pulis at kuwestyunin.

Nalaman ng KAMI na isang hotel staff di umano ang nakakita ng pakete ng hininalang iligal na droga nang inaayos nito ang sirang salamin sa kwarto ng turista.

Dahil dito, agad itong nagsumbong sa awtoridad.

Rumesponde naman ang nasa pito hanggang siyam na pulis at dalawang staff ng hotel.

Tinanong umano kay Sharonia kung ano ang laman ng maliit na ziplock bag na madalas na paglagyan din ng ipinagbabawal na gamot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lakas loob nitong sinagot na ito'y tawas na kanyang nilalagay sa kili-kili upang di umamoy ng di maganda.

Ngunit dahil diskumpiyado ang pulisya, pinosasan pa sila at naikulong.

Matapos ang isinagawang mga pagsusuri, nakalaya sila matapos ang 14 na oras.

Labis na sumama ang loob ni Sharonia dahil bukod sa nasira ang mahalagang araw sana niya, trinato pa silang kriminal.

Ang masaklap pa nito, pinagbayad pa sina Sharonia sa nabasag na salamin kung saan nakita ang tawas.

Ngunit matapos na magreklamo ang ina nito, naibalik din ang pera.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel