Napuno na si Legit! Mister na may yayamanin na kabit, humarap kay idol

Napuno na si Legit! Mister na may yayamanin na kabit, humarap kay idol

- Humarap sa programa ni Raffy Tulfo ang mister na inireklamo ng kanyang misis

- Ayon kasi kay misis, mayroong kabit si mister at may mga hawak itong ebidensiya

- Ilang larawan din ang ipinakita ni misis kay idol at isa rito ang larawan ni mister na may nakataklob na underwear sa ulo

- Ngunit depensa naman ni mister, nagkakalabuan na raw sila ni misis ng mga panahong iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humarap na sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo ang mister na inireklamo ng kanyang misis dahil sa pakikiapid nito sa ibang babae.

Una nang naibalita ng KAMI nang dumulog si Rechelle May Jimenez sa programa para ireklamo ang mister na si John Rey Conje at ang kabit nito na si Melody.

Ipinakita rin nito ang ilang larawan ni mister at ni kabit kabilang na ang larawan kung saan may nakataklob na underwear sa ulo ng lalaki.

Giit ni misis, ipinagpalit siya ni mister sa kabit nito dahil ito ay mayaman na itinanggi naman ng huli.

Ngunit depensa naman ni Conje, nagkakalabuan na sila ni Jimenez nang mga panahong iyon.

Pero ayon kay misis, hindi niya alam na nagkakalabuan na sila ni mister na inakala niyang nangangarap pa para sa kanilang pamilya.

Pero dahil kasal ang dalawa, posibleng makulong si Conje lalo pa at may hawak na ebidensiya si misis at may pag-amin na rin mula rito.

Sa tulong ni idol Raffy, nagkaroon ng pagkakataong humingi ng paumanhin si mister.

Sa huli, tinanggap na lamang ni misis ang pakikipag-areglo ng asawa alang-alang daw sa biyenan na naging mabuti sa kanya.

Nagkasundo na lamang ang mga ito sa sustento para sa kanilang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel