Sa gitna ng isyu! Raffy Tulfo, may ibinunyag tungkol sa kanyang nakaraan

Sa gitna ng isyu! Raffy Tulfo, may ibinunyag tungkol sa kanyang nakaraan

-Matapos makatanggap ng kabi-kabilang pangbabatikos, nagbigay na ng pahayag ang batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo

-Nagpasalamat ito sa mga tao at fans na patuloy na sumusuporta sa kanya

-Ipinaliwanag din nito kung bakit apekatado ito sa kaso ng batang pinalabas ng guro para disiplinahin

-Ibinunyag din ni Tulfo na maging siya ay nakaranas din ng pagdidisiplina mula sa kanyang mga guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa gitna ng kabi-kabilang pangbabatikos kay Raffy Tulfo dahil sa naging aksyon nito sa isang reklamo sa isang programa nito sangkot ang isang public teacher, naglabas ng pahayag ang sikat na mamamahayag.

Nagpasalamat si Tulfo sa mga tao at fans na sumuporta sa kanya matapos ang mainit na isyung kinasangkutan.

Ibinunyag din nito ang dahilan kung bakit siya apektado sa kaso dahil sa batang pinalabas ng inireklamong guro.

Anito sa kanyang programang Wanted sa Radyo, maging siya ay nakaranas din ng pagdidisiplina ng guro.

“When I was a child growing up, ako po ay nakapag-aral sa public school. Ako po’y palaging nasasaktan ng aking guro – napapalo, pinapahiya, binubugbog. At that time, wala pa pong Child Abuse Law. Lahat na po ng pangiinsulto, pananakit nagawa na po sa’kin ng aking guro dahil makulit naman po talaga ako noon," anito.

“Pero, ayaw ko pong mangyari sa aking anak ‘yung mga naranasan ko pong pananakit sa akin ng aking mga guro maging ng aking mga magulang. Sinasaktan po ako ng parents ko as part of discipline. Nabubugbog po ako, yes. Ayoko pong mangyari ‘yan sa anak ko kaya kahit isang masakit na salita, hindi po nakatikim sa’kin ang aking mga anak, lalo pa’t ‘di ko sila sinasaktan.”

Sa isa pang ulat ng KAMI, isang rally ang isinagawa ng ilang guro at principal sa Maynila laban kay Tulfo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel