Lalaki, sinaksak ng GF na tinawag nitong mataba at 'di binilihan ng ice cream

Lalaki, sinaksak ng GF na tinawag nitong mataba at 'di binilihan ng ice cream

- Patay sa pananaksak ang isang lalaki dahil sa ice cream

- Ayon sa lumabas na ulat, mismong ang nobya nito ang suspek sa malagim na sinapit ng lalaki

- Nagalit umano ang nobya ng lalaki matapos nitong hindi bilhan ng ice cream at tawaging mataba ang babae

- Isang gunting ang ginamit ng suspek sa pagpatay sa nobyo na nabili lang nito habang magkasama sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patay sa pananaksak ang isang lalaki matapos nitong hindi bilihan ng ice cream ang kanyang nobya na siyang suspek sa kalunos-lunos na krimen.

Bukod dito, tinawag din umano nitong "mataba" ang babae na siya umanong ikinagalit nito.

Ayon sa ulat ng Lucis Philippines, namamasyal ang suspek at biktima na parehong na sa kanilang 20s nang magpabili ang babae ng ice cream.

Sa halip na ibili, sinabi umano ng lalaki na: "You are already fat, still want to eat ice cream?"

Ikinagalit umano ito ng babae at biglang nagbago ang mood.

Bigla umano itong natahimik at maya-maya pa ay pumasok sa isang tindahan para bumili ng gunting.

Ito ang ginamit ng babae na panaksak sa kanyang nobyo.

Sabi pa sa ulat, apat na beses na inundayan ng suspek ng saksak ang biktima sa gitna ng kalsada at maraming tao ang nakakita.

Agad namang tumawag ng tulong ang mga nakasaksi sa malagim na sinapit ng lalaki.

Sa kasamaang-palad, nasawi ang lalaki bago pa man dumating ang paramedic.

Sinubukan pa umanong tumakas ng suspek sa mga pulis ngunit naaresto rin kinalaunan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel