OFW, nalimas ang pinagpaguran matapos pagnakawan ng BF na nakilala lang sa FB

OFW, nalimas ang pinagpaguran matapos pagnakawan ng BF na nakilala lang sa FB

- Iyak ng iyak ang isang babae sa isang viral video matapos malimas ang lahat ng kanyang gamit at pera

- Ayon sa uploader ng video, mismong nobyo nito ang nagnakaw ng mga ito mula sa babae na napag-alamang isang OFW

- Kauuwi lamang nito sa Pinas at sa halip na umuwi sa pamilya ay nakipagkita ito sa nobyo

- Maraming netizens ang naawa sa OFW ngunit marami rin ang nagsabing hindi ito dapat na nagtiwala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala nang nagawa kung hindi umiyak ang isang babae sa isang viral video matapos malimas ang lahat ng kanyang pinaghirapan.

Ayon sa Facebook page na Pinoy-Pop Culture, isang overseas Filipino worker (OFW) ang babae at mismong ang nobyo nito ang nagnakaw sa pera at mga gamit nito.

Napag-alamang kauuwi lamang ng OFW mula sa Dubai at sa halip na umuwi sa kanyang pamilya ay nakipagkita ito sa nobyo at dumiretso sa isang motel.

Nakilala lamang daw nito ang nobyo sa Facebook at ito ang unang beses na nagkita sila ng personal.

Maraming netizens ang naawa sa OFW na wala umanong natira sa kahit anong pinaghirapan nito mula sa pagta-trabaho sa ibang bansa.

Ngunit marami rin ang hindi natuwa sa nangyari sa OFW.

"Bkit poh wala kayong cctv jan sa motel.para makita ang mukha ng lalaki...para mahuli kapal nman ng mukha noong lalaki."

"Maryosep kawawa kabayan sayang pinaghirpan iba nakinabang."

"kawawa naman c ate ngtiwala agd kz wala pic,ngllki na yn pakulong mko te gawain nia ntlga mg kuha ka chatmate tapos nankwan namili ptlga ofw pa pinghrapn ng tao.hnd na kunsinsya pkulong mo yan te."

"O ayan yng mga mhilig mkipag boyfren sa fb,mg silbing aral sna sa inyo."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel