Kikiam, trending matapos ihain sa mga atleta sa SEA Games

Kikiam, trending matapos ihain sa mga atleta sa SEA Games

- Trending ang 'kikiam' matapos itong ihain sa mga atleta sa 30th SEA Games

- Sa Twitter, umabot sa mahigit 3K ang tweets na may hashtag Kikiam

- Matatandaang inireklamo ng coach ng Philippine women's football team ang inihaing agahan para sa kanila

- Maraming Pinoy netizens ang hindi rin natuwa at nakisakay sa hashtag kikiam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ireklamo ng Southeast Asian women's football teams ang 'quality' ng agahang inihanda para sa mga atletang kalahok sa 30th SEA Games, gumawa ng ingay ang balitang ito sa bansa.

Sa Twitter Philippines, ikatlo sa trending ang 'Kikiam' matapos sabihin ng coach ng Philippine women's football team na si Let Dimzon na ito ang agahang inihain para sa mga atleta.

"I'm not sure kung paano ang arrangement ng PHISGOC, but the quality and quantity of food is not enough," ayon kay Dimzon base sa ulat ng ABS-CBN News.

"Sa variety din, like for this morning, hindi enough 'yung rice and kikiam and egg. Walang nutrients," dagdag niya.

Sinang-ayunan naman ito ng coach mula sa Malaysia na si Joceph Jacob.

"Today, my breakfast, most of the players eat only bread and some egg. We have a big tournament, I hope they will improve the food," ani Jacob.

Maraming Pinoy netizens ang hindi rin natuwa sa balita at nakisakay pa nga sa hashtag kikiam.

Isa sa mga ito ang Spoken-word artist na si Juan Miguel Severo.

Hindi rin papahuli ang mga netizens na gumawa ng meme kaugnay pa rin nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel