Idol on fire! Ilang guro at principal, nagwelga laban kay Raffy Tulfo

Idol on fire! Ilang guro at principal, nagwelga laban kay Raffy Tulfo

- Ilang guro at principal ang nagwelga sa Maynila laban kay Raffy Tulfo

- Kaugnay pa rin ito ng isyu ng gurong inireklamo sa programa ng journalist

- Dala ang mga placard na nagsasaad ng mga mensahe laban kay Tulfo

- Umani naman ito ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang guro at principal ang nagwelga sa Liwasang Bonifacio sa Maynila laban kay Raffy Tulfo kasama ang ang grupong Alliance Concern Teachers.

Sa mga larawang ibinahagi ng netizen na si Jhona Lazo, makikita ang mga nagrally na may mga bitbit na placard.

Ilan sa mga mensaheng nakasaad dito ay "Boycott Tulfo programs", "Do not let Tulfo's "quack justice' prevail" at "Hustisya kay teacher Melita at lahat ng guro".

Kaugnay pa rin ito ng mainit na isyu ng naging aksyon ni Tulfo sa inireklamong guro sa kanyang programa.

Matatandaang inireklamo rito ang gurong si Melita Limjuco ng lola at nanay ng estudyanteng pinalabas nito sa classroom.

Sa nasabing episode, pinapili ni Tulfo ang guro kung magre-resign ito o haharap sa kasong kriminal at administratibo.

Umani ng batikos ang naging aksyon ni Tulfo sa maraming netizens kabilang na ang mga guro.

Sa isang ulat ng KAMI, isinulong ng mga guro ang isang online petition laban ay Tulfo at libo-libo na ang pumirma rito.

Samantala, iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa naganap na rally ng mga guro at principal.

Sa kabila nito, marami ang nagpahayag ng suporta para kay Tulfo kabilang na ang mga overseas Filipino workers (OFW) na madalas ipagtanggol nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel