Pasay City, naalarma sa pagkawala ng 9 na residenteng may edad 15-23

Pasay City, naalarma sa pagkawala ng 9 na residenteng may edad 15-23

- Pinakilos na ni Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pulisya dahil sa nakaaalarmang pagkawala ng mga residente nila edad 15-23

- Nawala umano ang mga taong ito mula Nobyembre 20-22

- Bukod sa lahat ng mga nawawala ay lahat taga-Pasay, wala na raw koneksyon ang bawat isa

- Nakadagdag pa ng tensyon ang mga komento ng netizens na nagsasabing nauuso na naman ang bentahan ng mga laman loob ng tao at ngayon naman ang target ang pawang mga edad ng mga nawala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis nang naalarma si Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga naiulat na pagkawala ng kanilang mga residente mula November 20-22.

Ayon sa Inquirer, humingi na ng tulong ang alkalde sa pulisya upang magsagawa na ng imbestigasyon sa pagkawala ng siyam na taong may edad 15-23.

Pangungunahan ni Pasay police chief Col. Bernard Yang ang pag-iimbestiga sa nakakabahalang pagkawala ng kanilang residente na wala naman daw koneksyon sa isa't isa.

Tatlo sa mga ito ay mula sa Barangay 14 kung saan sila huling namataan. Nakilala ang mga ito na sina Norealle “Ikoy” dela Torre Butiong, edad 21; Gil Josh Ramirez, edad 18; at Leogee Tiposo, edad 23.

Ang dalawang pinakabatang nawawala na sina Reine Louisse de Ocampo, 15; at Kojie “Lucky” Marquez, 16 ay magkaibigan.

Huling nakita si Kojie sa isang fast food restaurant sa Pasay Rotonda bandang 6:30 ng gabi. SI Reine naman ay umalis ng bahay bandang 5:00 ng hapon ng parehong araw noong nobyembre 20.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sina John Samuel Esguerra at Niña Jane Ignacio, parehong may edad na 19 ay parehong nawala noong Nobyembre 20.

Noong Nobyembre 21, huling nakita si Roujen Serban, 21, sa Barangay 15 kung saan siya nakatira.

Nahagip naman ng CCTV ang mismong pagdakip kay Sebastian “Baste” Montoya edad 22 kung saan pwersahan siyang isinakay ng van ng anim na di nakilalang mga lalaki. Naganap ito noong Nobyembre 22 sa Villaruel street.

Dahil dito, nakunan ng CCTV ang sinakyan nitong Toyota Hiace van na may plate number AEA 1051. Huling nakita ang van na ito sa Libertad sa Arnaiz Avenue.

Samantala, napag-alaman na pekeng plaka pala ito na nakumpirma sa Land Transportation Office. sa Toyota Vios nakarehistro ang plate number ng van.

Dahil sa mga kaganapang ito, nagbigay babala na ang pulisya ng ibayong pag-iingat dahil maaring mambiktima rin umano ang mga taong ito sa ibang lugar.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel