82-anyos na lolang bodybuilder, nilampaso ang magnanakaw na pumasok sa bahay niya

82-anyos na lolang bodybuilder, nilampaso ang magnanakaw na pumasok sa bahay niya

- Bugbog sarado ang isang magnanakaw na pinagtangkaan ang bahay ng isa palang dating bodybuilder

- Nasira ang mesa sa bahay ni Willie Murphy nang ibagsak niya roon ang magnanakaw

- Noong kalakasan pa, kaya raw nitong bumuhat ng nasa 225 pounds

- Nagkatotoo tuloy ang modus ng lalaki na malalagak daw siya sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking sisi ng isang magnanakaw na nilooban ang bahay ng 82-anyos na si Willie Murphy sa Rochester, New York.

Ayon sa pahayag ng CNN kay Willie, patulog na sana noon ang dating award-winning bodybuilder nang makarinig siya ng katok ng isang lalaki na nagpapatawag ng ambulansiya para raw sa kanya.

Sinabi ni Willie na tatawag muna siya ng police at di niya pinapasok ang lalaki.

Nagulat siya nang magalit ito at nagpumilit pumasok sa bahay ng bodybuilder na lola.

Ngunit isang malaking pagkakamali ang ginawa ng magnanakaw dahil di niya alam na tila mas malakas pa ang lola sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nahablot niya ang isang mesa at hinampas ito sa lalaki. Sa lakas, nasira ang ang mesa.

Nakuha din niya ang mga paa ng mesa at pinaghahampas muli sa magnanakaw.

Noong kalakasan pa raw ni Willie, nakakaya niyang buhatin ang nasa 225 pounds na bigat.

Sa ngayon kasi dala ng kanyang edad, di na niya nabuhat pa ang lalaki.

Samantala, dumating naman sa oras ang pulisya kaya naman natulungan na nila ang lola.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel