Ilang piloto, sinorpresa sa isang flight ang isa sa kanilang naging guro

Ilang piloto, sinorpresa sa isang flight ang isa sa kanilang naging guro

- Labis ang pasasalamat ng ilang piloto sa isa sa kanilang dating guro

- Kaya naman naghanda sila ng sorpresa para rito sa loob ng isang eroplano kung saan isa ito sa mga pasahero

- Bilang pasasalamat ay nagbigay ang mga ito ng kani-kanilang mensahe para sa natatangi nilang guro na itinuring daw silang mga anak

- Mangiyak-ngiyak naman ang piloto at guro sa sorpresang handog sa kanya ng mga naging estudyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Upang ipahayag ang kanilang pasasalamat para sa kanilang natatanging guro, naghanda ng isang sorpresa ang ilang piloto para rito.

Sa isang partikular na araw at sa loob ng isang eroplano kung saan isa sa mga pasahero ang piloto at nagsilbing guro ng mga ito na si Selahattin Onan naganap ang sorpresa.

Sa video na ibinahagi ng Facebook page na In the NOW, nagbigay ng mensahe ang piloto ng eroplano na naging hudyat para sa inihanda ng mga ito.

Nagpasalamat ito kay Onan at nagpahayag ng papuri para sa guro na nagsilbing tatay at gabay ng maraming estudyante nito.

Isang video rin ang inihanda ng mga ito kung saan ilan sa mga pilotong naging estudyante nito ay nagbigay ng mensahe para rito sa araw ng mga guro.

Sunod-sunod naman na lumabas ang iba pa na may dala pang isang bouquet para sa guro.

Mangiyak-ngiyak naman si Onan sa ginawa ng kanyang mga naging estudyante.

Anito, isa ito sa mga pinakamalaking sorpresa na natanggap niya sa kanyang buhay.

Umabot na sa mahigit tatlong milyon ang views ng video sa kasalukuyan at umani ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines, holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel