Isa sa mga natulungan ni Raffy Tulfo, may mensahe ng suporta para rito

Isa sa mga natulungan ni Raffy Tulfo, may mensahe ng suporta para rito

- Isa sa mga natulungan ni Raffy Tulfo sa kanyang programa ang nagpahayag ng suporta para rito sa pamamagitan ng social media

- Ito ay ang anak ng matandang lalaki na inakusahan ng panghihipo sa isang modern jeep

- Matatandaang umani ng batikos si idol Raffy dahil sa naging aksyon nito sa viral na reklamo laban sa isang public teacher

- Anito, hindi makakalimutan ng maraming tao ang mga nagawa ni idol Raffy para sa mga natulungan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpahayag ng suporta ang isa sa mga natulungan ni Raffy Tulfo sa kanyang programa na si Christian Gutal para sa sikat na broadcast journalist.

Matatandaang nasa "hot seat" ngayon si idol Raffy dahil sa naging aksyon nito sa viral na reklamo laban sa isang public teacher.

Si Gutal ang anak ng matandang lalaki na inakusahan ng panghihipo ng isang babae sa loob ng isang modern jeep, na una nang naiulat ng KAMI.

Anito, hindi makakalimutan ng marami ang mga naibigay na tulong ni Tulfo.

Sinabi nitong nasaksihan nito ang libo-libong taong nais humingi ng tulong dito at hindi ganoon kadali para rito ang gumawa ng desisyon sa bawat reklamong hinaharap nito.

"I've seen it on cam and off cam. Thousands of people waiting outside your studio and it's normal that we make rush decisions but that doesn't define our personality and wholebeing," anito.

"The nation will not forget how many people you've helped already just because of this mistake."

Ganunpaman, sinabi nito na saludo ito sa lahat ng guro at nagbahagi pa ito ng karanasan noong ito ay estudyante pa lang at nadisiplina rin ng guro.

Dahil daw dito ay naging maparaan siya sa buhay. Biro pa nito, nagamit niya ang abilidad na ito para mahanap ang CCTV sa modern jeep kung saan nasangkot ang kanyang ama.

Hinikayat din nito ang mga netizens na huwag ibash ang pamilya na nagreklamo laban sa guro.

Sa isa pang ulat ng KAMI, tinawag na ignorante sa journalism ng isang propesor mula sa UP si Raffy Tulfo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines, holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel