Mga magulang na inireklamo ang guro kay Tulfo, isinalaysay ang kanilang "pag-aayos"

Mga magulang na inireklamo ang guro kay Tulfo, isinalaysay ang kanilang "pag-aayos"

- Isinalaysay na ng mismong mga magulang ng bata na sina Jefferson at Rosemil Edroso ang naging pag-uusap nila ng guro kaharap ang opisyal ng Department of Education

- Lahat daw ng pinag-usapan ay ukol sa pagbabalik paaralan ng bata upang maipagpatuloy nito ang kanyang pag-aaral

- Maayos nang nagkasundo ang magkabilang panig na wala na ring magpo-post sa sinuman sa kanila o kanilang kamag-anakan ng tungkol sa kontrobersiya

- Nagkamay na ang mga magulang at guro at pumirma na rin sa napagkasunduan

- Nagpasalamat din ang mag-asawa kay Raffy Tulfo dahil sa pagsuporta at pagtulong ng mga ito sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sumipot muli sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo ang mag-asawang sina Jefferson at Rosemil Edroso ngayong Lunes Nobyembre 25.

Ito ay upang personal na magpasalamat sa host sa tulong at suporta na ipinagkaloob nito sa kanilang pamilya.

Matatandaang nito lamang isang linggo, dumulog sa programa ni Tulfo si Rosemil at ang kanyang ina upang ireklamo ang di umano'y pamamahiya sa kanyang anak ng gurong si Merlita Limjuco.

Umani ng maiinit na kuro-kuro ang isyung ito dahil umano sa agarang hatol ni Tulfo na pagpapabitiw sa guro sa propesyon o ang matanggalan ito ng lisensya.

Nitong Biyernes, Nobyembre 22 ay namagitan na raw ang paaralan at ang opisyal ng Department of Education upang ayusin na lamang ang sigalot.

Ayon kay Jefferson, ang ama ng bata, lahat ng napag-usapan ay para sa kapakanan ng estudyante at sa muling pagbabalik nito sa paaralan.

Nagkaharap na ang magkabilang panig at nagkamay pa raw ito sa harap ng DepEd supervisor.

Nagkaroon din sila ng kasunduang wala sinuman sa kanila o sa kanilang kaanak ang magpo-post pa sa social media upang tuluyan nang humupa ang isyu.

Bahagyang umalma si Jefferson dahil matapos lamang ang usapang ito, agad na raw nakapag-post ang nagpresintang abogado ng guro ukol sa kinalabasan ng naging usapan.

Gayunpaman, pinayuhan na ni Tulfo ang mag-asawa na magpahinga dahil sa naayos naman na ang lahat dahil kitang-kita na rin ang labis na pagka-stress ng mga ito.

Minabuti na rin ng programa na di na ipakita ang mag-asawa upang malayo na rin sa anumang maaring maging komento pa muli ng netizens.

Samantala, naglabas din ng saloobin si Tulfo patungkol sa mga nangyari na una nang naibalita ng KAMI.

Narito ang kabuuan ng episode:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel