Raffy Tulfo, naging emosyonal ukol sa isyung dala ng inireklamong guro sa kanyang programa

Raffy Tulfo, naging emosyonal ukol sa isyung dala ng inireklamong guro sa kanyang programa

- Naging isang malaking usap-usapan ng buong bayan ang gurong inireklamo sa programa ni Raffy Tulfo noong nakaraang linggo

- On air na naglabas ng saloobin si Tulfo at sinabing halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman sa dalawang araw na lumipas ang isyu

- Bagaman at nagkasundo na ang panig ng magulang at guro, halos di pa rin mamatay ang ang iba't ibang isyu kaugnay nito

- Nagpasalamat si Tulfo sa mga sumuporta sa kanya at patuloy pa rin siyang maglilingkod sa publiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa November 25 episode ng Wanted sa Radyo, halo-halong emosyon daw ang naramdaman ng host na si Raffy Tulfo ukol sa kinasangkutang isyu kaugnay ng inireklamong guro sa kanyang programa.

Nalaman ng KAMI nakaramdam ng saya ang host dahil sa kabila ng ilang panghuhusga sa kanya ay mayroon pa ring mga taong naniniwala at sumusuporta sa kanyang adhikain. Nagpapasalamat siya sa mga taong ito.

Nakaramdam din umano siya ng galit dahil hindi na raw inisip ng karamihang netizen na ang totoong biktima rito ay ang bata na di umano'y pinahiya ng kanyang guro.

Nabanggit din niyang nagkaroon siya ng oras na basahin ang mga komento ng netizens ukol sa isyu at nalungkot siyang makita na ni isa ay walang nakaalala na kumustahin ang kalagayan o estado ng bata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakadagdag pa raw dito ang pangyayari ung saan maging ang pamilya ng bata, ang ama, ina at lola nito ay nabiktima na rin ng pambaba-bash at maging ang bata na rin mismo na pinaratangan pa umano ng mga netizens na "makulit" at nararapat lamang daw ang nangyari.

Naroon din sa programa ang mga magulang ng bata na sina Jefferson at Rosemil Edroso upang magpasalamat sa tulong na binigay ni Tulfo sa kanila at hanggang sa oras na iyon ay ang kapakanan na ng bata ang iniisip ng mga ito.

Ngayon na nagkaayos na ang panig ng bata at ng guro, hangad na lamang ni Tulfo ang pagpapatupad ng pagkakaroon ng child protection committee sa paaralan upang maiwasan na ang anumang uri ng bullying sa lugar na dapat ay ligtas ang mga bata sa ganito.

Narito ang kabuuan ng episode:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel