Matapos sibakin: VP Robredo, naglabas ng saloobin ukol sa pagkakatanggal sa ICAD

Matapos sibakin: VP Robredo, naglabas ng saloobin ukol sa pagkakatanggal sa ICAD

- Matapos sibakin sa kanyang pwesto bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ng bansa, maglalabas pa rin daw ng ulat si Vice President Leni Robredo ukol sa mga natuklasan sa naiwang pwesto

- Ayon sa kanya, di raw ito ang katapusan ng kanyang laban sa droga, bagkus ito raw ang simula

- Nagbibigay siya ng weekly reports sa Malacañang ngunit ni minsan ay wala siyang natanggap na tugon mula sa palasyo

- Ginawa naman daw niya ang lahat ng kanyang makakaya kahit pa inakala niyang imposible ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na ng pahayag si Vice President Leni Robredo ukol sa pagkakatanggal niya bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) sa bansa.

Maalalang in-appoint siya ni Presidente Rodrigo Duterte nito lamang unang linggo ng Nobyembre sa nasabing posisyon ay ngayon matatapos na ang buwan, tinanggal naman siya sa posisyon.

Sa pahayag ng Bise Presidente sa ginanap na Press briefing na binahagi ni Xave Gregorio ng CNN, sinabi nitong maglalabas pa rin siya ng ulat kaugnay sa kanyang naiwang pwesto.

“Sa mga susunod na araw, magbibigay ako ng ulat sa bayan. Sasabihin ko ang natuklasan at ang aking mga rekomendasyon,” ayon kay Robredo.

Dagdag pa ng Bise Presidente, di raw ito ang katapusan ng kanyang pakikipaglabaan sa iligal na droga, ito ay simula pa lamang.

Nabanggit pa nito na linggo-linggo naman siyang nagbibigay ng report sa Malacañang ngunit ni minsan ay wala siyang nakuhang sagot.

“Kung pareho naman ang ating layunin, bakit hindi na lang tayo magtulungan? Hindi ba talaga sila seryoso sa laban? O may interes ba tayong nabangga? Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ko? Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ng taumbayan?” ilan sa mabibigat na pahayag ni Robredo.

Nito lamang linggo, Nobryembre 24, pinahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang pagkakasibak ni Robredo sa ICAD dahil sa pakikipag-ugnayan nito sa mga dayuhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit isa sa mga dahilan daw ng pagkakatanggal sa pwesto ay dahil miyembro si Robredo ng oposisyon.

Sa loob ng dalawang linggo niyang paninilbihan, wala raw sinayang na sandali ang bise presidente at marami na rin siyang nakausap tulad ng United Nations at mga opisyales ng Amerika, ilang mga tao mula nasyunal at lokal na pamahalaan at miyembro ng pribadong sektor at maging mga religious groups ukol sa maaring gawin kontra droga.

Nilinaw naman ni Pangulong Duterte na bagaman at wala na sa kanyang posisyon, maari pa rin daw itong umalalay sa ICAD.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the streets. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel