Raffy Tulfo, tinawag na ignorante sa journalism ng isang propesor sa UP

Raffy Tulfo, tinawag na ignorante sa journalism ng isang propesor sa UP

- Sa pamamagitan ng social media nagbahagi ng maaanghang na salita ang isang propesor tungkol kay Raffy Tulfo

- Tinawag ng propesor at ngayo'y Media Asia editor na si Danilo Arao si Tulfo na ignorante sa journalism

- Kaugnay pa rin ito ng kaso ng guro sa Maynila na inireklamo sa isa sa mga programa ni Tulfo

- Matatandaang umani ng batikos mula sa maraming Pinoy netizens ang naging aksyon ng broadcast journalist dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng isang tweet, nagbahagi ng maanghang na mensahe ang isang propesor sa University of the Philippines at ngayo'y Media Asia editor na si Danilo Arao tungkol kay Raffy Tulfo.

Anito, ang naging problema umano ni Tulfo ay pagiging ignorante nito sa journalism.

Iginiit nito na dapat daw na ang isang journalist ay inaalam ang bawat panig.

“JOURNALISM 101: A journalist cannot analyze an issue unless he or she knows all possible sides. As regards the teacher being humiliated due to a complaint, the problem with Tulfo has less to do with his ignorance of teaching and more to do with his ignorance of journalism,” ayon sa tweet ni Arao.

Kaugnay pa rin ito ng nag-viral na kaso ng isang guro mula sa Maynila na inireklamo sa isa sa mga programa ni Tulfo.

Matatandaang inireklamo ito ng lola at nanay ng estudyanteng napalabas sa classroom at hiniling ng lola na matanggalan ito ng lisensya at magresign na lamang ito para naman sa nanay ng bata.

Pinapili ni Tulfo ang guro kung magre-resign na lamang ito o haharap sa mga kasong kriminal.

Dahil dito, umani ng batikos ang nasabing reklamo maging ang sikat na broadcast journalist.

Sa isang ulat ng KAMI, isang online petition ang isinusulong ng mga guro laban kay Tulfo kaugnay pa rin ng nangyari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel