GF, biglang nag-walk out matapos mabuking ang kanyang nobyo sa Eat Bulaga

GF, biglang nag-walk out matapos mabuking ang kanyang nobyo sa Eat Bulaga

- Buking ang isang lalaki na pinagsabay pala ang dalawang babae

- Sa segment ng Eat Bulaga na "Bawal Judgemental" pa nagkabukingan ang mga ito

- Ang kasalukuyang nobya nito, napa-walk out talaga nang matuklasan on national TV ang ginawa ng nobyo

- Maging si Diamond Star Maricel Soriano na siyang contestant sa nasabing segment at ang mga Dabarkads ay 'di rin inasahan ang nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nahaluan ng drama ang isa sa mga segment ng longest-running-noontime variety show na Eat Bulaga na "Bawal Judgemental" noong Sabado.

Sa nasabing segment kasi nabuking ng isang dalagang kasali sa mga pagpipilian ng celebrity contestant o "judge" na si Diamond Star Maricel Soriano na isinabay siya ng nobyo sa ibang babae.

Natuklasan kasi nito na apat na araw matapos na mapasagot ng nobyo na ang ex-girlfriend nito ay naging sila naman nito.

Ang masaklap pa, tumagal ang relasyon nito sa babae sa loob ng apat na buwan.

Nang tanungin ito ng mga hosts na sina Paolo Ballesteros at Jose Manalo kung ano ang naramdaman nito ay bigla na lamang itong napa-walk out.

Sinubukan pa itong habulin ni Jose Manalo nang pumunta ito sa back stage. Ngunit binigyan na lamang ang dalawa ng chance para makapag-usap.

Maging si Maricel Soriano at ang mga haligi ng Eat Bulaga na sina Vic Sotto at Joey De Leon ay 'di rin inaasahan ang nangyari.

Sa panayam naman sa dalawa, nagkaayos din ang mga ito. Ayon sa lalaki, nagbago na siya at ang nobya na lamang ang kanyang nag-iisang mahal.

Nangako rin ito na hindi na ito gagawa pa ng ikagagalit ng nobya.

Ibinahagi rin ng dalawa kung paano sila nagkakilala at nagsimula ang relasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel