Mga guro, gumawa ng online petition laban kay Raffy Tulfo

Mga guro, gumawa ng online petition laban kay Raffy Tulfo

- Sa pamamagitan ng social media ay naglabas ng kanilang hinaing ang mga guro sa Leyte laban kay Raffy Tulfo

- Kaugnay pa rin ito ng viral na reklamo sa programa nito kung saan sangkot ang isang guro sa Maynila

- Matatandaang pinapili ni Tulfo ang nasabing guro kung mag-reresign ito o haharap sa mga kasong kriminal

- Mariin itong tinutulan ng mga guro at umabot na sa 56,000 signatories ang online petition ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng isang online petition, naglabas ng kanilang hinaing ang mga guro sa Leyte laban kay Raffy Tulfo.

Ayon sa ulat ng SunStar, umabot na sa 56,000 signatories ang petisyon ng mga guro noong Novenber 22, Biyernes.

Kaugnay pa rin ito ng viral na kaso ng guro na si Melita Limjuco mula sa Epifanio Delos Santos Elementary School sa Maynila.

Matatandaang sa kanyang programa ay pinapili ni Tulfo si Limjuco kung magre-resign ito o haharap sa kasong kriminal.

Ito ay matapos itong ireklamo ng lola, nanay at tatay ng isang estudyante na pinalabas nito mula sa classroom.

Ayon sa reklamo ng lola ng bata, nakalimutan lamang nito ang card na naging dahilan daw ng guro kaya ito napalabas.

Ngunit ayon naman kay Limjuco, dinidisiplina lamang niya ang estudyante at humingi na ito ng patawad on air.

Ngunit nais ng lola na matanggalan ng lisensya ang guro habang nais naman ng ina na mag-resign na lamang ito.

Marami ang bumatikos sa nasabing reklamo lalo sa naging aksyon ni Tulfo.

Dumagsa naman ang suporta para kay Limjuco dahil dito.

“Disappointing, humiliating,” para sa gurong si Fidelino Josol, 51-anyos na high school teacher sa Leyte.

“Let’s defend and fight for our colleagues,” ayon naman kay Cecila Olimberio na isa sa mga pumirma sa online petition.

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa namang guro mula sa US ang nag-ere ng kanyang reaksyon kaugnay pa rin ng viral na kaso ni teacher Limjuco.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel