Pinay teacher sa US, nag-react sa viral na kaso ng gurong ipina-Tulfo

Pinay teacher sa US, nag-react sa viral na kaso ng gurong ipina-Tulfo

- Hindi napigilan ng isang Pinay na guro sa US ang mag-react sa viral na kaso ng guro na inireklamo kay Tulfo

- Nagbigay ito ng mensahe para sa nanay ng bata na nais na matanggalan ng lisensya ang guro

- Maging kay Raffy Tulfo ay nagbigay din ito ng mensahe

- Napa-react din ang mga netizens sa video at mensahe ng guro mula sa US

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napa-react ang isang Pinay na guro sa United States sa viral na kaso ng gurong inireklamo dahil sa pagpapalabas nito sa isang estudyante sa pamamagitan ng isang Facebook video.

Ayon sa guro mula sa US, hindi makatarungan ang nais ng nanay ng bata na matanggalan ng lisensya ang guro mula sa Maynila.

Anito, ang ginawa ng guro ay normal lamang na ginagawa sa mga estudyante sa Amerika kapag ito ay nagkakaroon ng pagkakamali at tinatawag na "time out chair".

Mariin nitong iginiit na ang ginawa ng ina ng bata ay nagpalala lamang sa epekto nito sa estudyante.

Dagdag pa nito, ang pagdidisiplina ng mga guro ay makakatulong upang mas lumakas at matatag ang isang bata at maging mabuting mamamayan.

Kwento pa nito, nagawa rin siyang disiplinahin ng kanyang guro noon ngunit nagpapasalamat siya rito dahil isa ito sa dahilan kung bakit narating niya ang kanyang narating ngayon.

Nagbigay din ito ng mensahe para kay Raffy Tulfo at sinabing saludo siya sa pagtulong nito sa marami ngunit "thumbs down" daw siya rito sa nasabing reklamo.

Hindi raw alam ni Tulfo ang pinagdadaanan ng mga guro araw-araw sa loob ng kanilang classroom.

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens. Mayroong sang-ayon dito at mayroon din namang hindi.

Matatandaang naging viral ang reklamo matapos umalma ng mga netizens at mga guro sa naging aksyon ni Tulfo rito.

Una nang naiulat ng KAMI ng ireklamo ng lola, ina at ama ng bata ang guro sa programang Aksyon.

Narito ang video mula sa Facebook page na Super Tekla:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel