Ama, may panawagan para sa taong nakabili ng painting ng kanyang yumaong anak

Ama, may panawagan para sa taong nakabili ng painting ng kanyang yumaong anak

- Nanawagan ang isang tatay sa social media para sa taong nakabili ng painting ng kanyang yumaong anak

- Ang subject sa nasabing painting ay ang bunso nilang anak na nais sana nilang gawing alaala nito mula sa yumaong kapatid

- Ayon dito, hindi nila alam na naibenta pala ito ng kanilang namayapang anak

- Kaya naman ginamit nila ang social media upang maiparating sa nakabili ng painting ang kanilang hiling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nais sana ng ama na si Anthony Lee na makita ng personal o kaya naman ay maibalik sa kanila ang painting ng kanilang yumaong anak na si Renz.

Ayon kay Anthony, ang subject sa painting ay ang bunso nilang anak at nakababatang kapatid ni Renz na si Aaron.

1 taong mahigit na raw si Aaron noong mga panahong iginuhit ito ni Renz ngunit napili nitong iguhit ang larawan ng kapatid noong ito ay 4 hanggang 5 taong gulang pa lamang.

Nasa ikalawang taon pa lamang daw sa kolehiyo si Renz noon na kumuha ng kursong Fine Arts sa UP Diliman.

"Renz painted Aaron in 2014 when he was in 2nd year college. Aaron was 1 1/2 years old then but Renz decided to use the photo of Aaron when he was about 4 or 5 months old," anito.

Hindi na na raw nagawang maipadala ni Renz ang nasabing painting sa Canada kung saan nananatili ang kanilang pamilya.

Sa hindi malamang rason ay naibenta pala ito ng binata.

"Renz did not have the chance to send the painting to Canada. He shared that there were people interested to buy it but he was not up to it. For whatever reason, he eventually decided to sell the painting without my knowledge," ayon kay Anthony.

Kaya naman sa pamamagitan ng social media ay nanawagan si Anthony para humingi ng tulong sa mga netizens para maiparating ang kanilang mensahe sa kung sino man ang nakabili ng painting.

Nais sana nila na maging alaala ito ni Aaron, na ngayong ay 7 taong gulang na, mula sa kanyang kuya Renz.

Sa darating na December 4 ang ika-40 araw ng pagpanaw ni Renz.

"We are posting this in the hope to find the person who bought this piece of artwork that is very close to our hearts; this piece of artwork that reminds us how Renz loved Aaron. We hope to retrieve (if the owner will sell) the painting so Aaron can have a piece of memory of his beloved Kuya Renz."

Nakikiramay ang buong KAMI sa mga naulila ni Renz. Nawa'y maging daan ang social media upang makita at maibalik sa pamilya nito ang isa sa mga alaala ng pagmamahal nito sa kapatid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel