Pia Wurtzbach, hindi dadalo sa Miss Universe Pageant ngayong taon

Pia Wurtzbach, hindi dadalo sa Miss Universe Pageant ngayong taon

- Ibinunyag ni Pia Wurtzbach na hindi siya makakadalo sa Miss Universe Pageant ngayong taon

- Ito ay dahil sa mas nanuna niyang naka schedule na commitment

- Ayon sa Miss Universe 2015, naimbitahan siya ng tourism board ng Japan para i-feature sa kanyang travel show ang isang festival sa Fukuoka

- Kaya naman tinanggihan niya ang alok sa kanya ng Miss Universe Organization na mag host sa event ng Miss Universe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinaliwanag ni Pia Wurtzbach ang dahilan kung bakit hindi siya makakadalo sa Miss Universe Pageant ngayong taon. Ayon sa Miss Universe 2015, may nakatakda na siyang puntahan bago pa man i-anunsiyo ang petsa ng coronation night ng Miss Universe 2019.

Naimbitahan diumano ang kanyang travel show ng tourism board ng Japan para i-feature ang isang festival sa Fukuoka.

"My travel show was invited by the tourism board of [J]apan to feature a festival in Fukuoka. Our working visas were released already before MUO announced the date and venue," aniya bilang tugon sa sa isang Instagram user na nagtanong kung may ticket na siya para sa Miss Universe Pageant.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"MUO invited me to be a backstage host with CHI and I really want to! BUT it would also be impolite [of] me to cancel my trip to Japan. Government invitation 'yun. At may mga visa na kami. Sayang. If I had known sooner baka nagawan ko ng paraan," dagdag pa niya.

Nakatakdang lumaban ang pambato ng Pinas na si Gazini Ganados sa Miss Universe Pageant na gaganapin sa Atlanta, U.S.A. sa December 9.

Si Pia Alonzo Wurtzbach na unang nakilala sa showbiz bilang si Pia Romero ay isang Filipina-German model, actress, at beauty queen na tinanghal bilang Miss Universe 2015 noong December 20, 2015.

Sa naunang ulat, sinagot ni Wurtzbach ang mga netizens na pumuna sa kanyang kasuotan nang siya ay pumunta sa isang Bangkok temple.

POPULAR: Read more about Pia Wurtzbach here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines, holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel