School Principal, nagmalasakit ihatid at buhatin ang batang may sakit na hirap makalakad

School Principal, nagmalasakit ihatid at buhatin ang batang may sakit na hirap makalakad

- Viral ang post tungkol sa principal na nagmalasakit na ihatid ang batang may sakit

- Sa kabilang isla pa umano nakatira ang bata kaya naman binuhat pa ng punungguro ang bata patungo sa bangkang sasakyan nito

- Hindi na raw kasi makalakad ang bata sa sobrang sama ng pakiramdam

- Imbis na mag-utos sa ibang mga guro, ang principal na mismo ang kusang nagbuhat sa bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan ng marami ng isang school principal sa Talingting NHS, Carles, Iloilo dahil sa pagmamalasakit nito sa isa sa kanilang mga estudyante.

Binahagi ng gurong si Renan Gonzales ang nakakaantig na mga larawan ng principal kung saan buhat na nito ang estudyanteng may sakit.

Ayon sa post, nang magsabi ang bata na masama na ang pakiramdam nito, agad naman siyang nabigyan ng gamot at pinagpahinga sa clinic ng kanilang paaralan.

Ngunit nang sumapit na ang kanilang uwian, di pa rin bumuti ang lagay ng bata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang masama pa nito, di raw ito makalakad sa tindi ng panghihina.

At dahil sa kabilang isla pa umuuwi ang bata, pinahanda na ng punongguro ang bangkang sasakyan nito.

Hindi na raw ito nag-utos at siya na ang nagkusa na ihatid ang bata pababa sa may bangka dahil ang kanilang paaralan ay bundok na bahagi ng isla.

Ayon sa guro, di raw siya sinabihan ng kanilang principal na ibahagi ang larawan. Kusang loob na ginawa ito ni Teacher Renan sa labis na paghanaga at lubusan din niyang pinagmamalaki ang kanilang principal.

Sa pagkakataon daw na iyon pinakita ng punongguro ang pagiging ama niya ng paaralan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel