Gurong di umano'y pinahiya sa programa ni Tulfo, maaring magsampa ng kaso

Gurong di umano'y pinahiya sa programa ni Tulfo, maaring magsampa ng kaso

- Maari raw magsampa ng kaso ni Gng. Melita Limjuco laban kina Raffy Tulo, sa TV5 at sa pamilya nina Rosemil Edroso kung kanyang nanaisin

- Ayon pa sa ilang kongresista, kitang-kita raw ang di umano'y maling pagtrato ni Tulfo sa guro

- Hindi raw kasi nito dinaan sa tamang proseso ang pagbibigay ng aksyon sa nagawa ng guro

- Bagaman at nagkaayos na raw ang magkabilang panig, nag-iwan naman ito ng matinding usapin ukol sa tamang pagdidisiplina sa kabataan ngayon at kung ano na nga ba ang maari lamang gawin ng guro upang turuan ng leksyon ang mag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging mainit na usapin kamakailan ang di umano'y pamamahiya ni Raffy Tulfo sa gurong si Melita Limjuco, guro ng Epifanio delos Santos Elementary School na inireklamo ng magulang at lola ng kanyang estudyante.

Sa naunang ulat ng KAMI, nakinig umano si Tulfo sa panawagan ng mga netizens na huwag patanggalan ng lisensya ang guro o di kaya ay samapahan ng kaso dahil sa pamamahiya umano nito sa kanyang estudyanteng pinalabas niya ng silid.

Maging ang mga kongresista ay nagsabing mali ang agarang aksyon na pinataw ni Tulfo sa guro na pinapili kung magbibitiw na lamang nito sa trabaho o kakasuhan ito at matatanggalan ng lisensya.

Dahil din dito, nagpahayag si Rep. Bong Belaro ng 1-Ang Edukasyon na maaring magsampa ng kaso si Teacher Melita laban sa pamilya ng estudyanteng nagreklamo sa kanya, kay Tulfo at pati na rin sa TV5 sa labis na kahihiyang ginawa ng mga ito sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Mrs. Limjuco’s right to due process was clearly violated by Raffy Tulfo, TV5, and her pupil’s parents and grandparents during that televised interview. Mrs. Limjuco and her family are also suffering intense mental and emotional anguish from being humiliated and degraded in that interview,” pagbibigay linaw ni Belaro sa panayam sa kanya ng Inquirer.

Dagdag pa ni Belaro na hindi tama ang ginawa ni Tulfo na tila ba'y naging hukom at bigla na lamang hinatulan ang guro nang di dumadaan sa tamang proseso.

Bagaman at nagkaayos na raw di umano ang panig ng guro at panig ng estudyante, nag-iwan pa rin ito ng usapin ukol sa tamang pagdidisiplina ng mga kabataan ngayon dala ng child protection policy.

Narito ang ikalawang bahagi ng episode na ito ng Raffy Tulfo in Action kung saan iminungkahi na ng host na magkaayos na lamang ang magkabilang panig:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel