Coco Martin, perfectionist na direktor ayon kay Ai-Ai delas Alas

Coco Martin, perfectionist na direktor ayon kay Ai-Ai delas Alas

- Ibinahagi ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ang kanyang pananaw kay Coco Martin bilang katrabaho at bilang direktor

- Ayon kay Ai-Ai, masyadong metikuloso at perfectionist si Coco pagdating sa trabaho

- Bukod sa pagiging lead star at producer ng “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon," siya din ang direktor ng pelikula

- Bukod dito ay tuloy-tuloy din ang taping niya ng action TV series na FPJ's Ang Probinsiyano

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inilarawan ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas si Coco Martin bilang metikuloso at perfectionist na direktor.

Nakatrabaho niya ang aktor sa pelikulang “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon," isang official entry para sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Bukod sa pagiging lead star at producer si Coco din ang direktor ng pelikula

Sa isang ulat ng Bandera.net, todo puri diumano si Ai-Ai dahil sa kasipagan ng aktor sa kabila ng pagiging busy nito sa taping ng FPJ's Ang Probinsyano.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita din ang pagmamalasakit ni Coco sa kanyang mga katrabaho. Gusto diumano niyang maaga matapos ang shooting para makapagpahinga din ang mga artista.

"E, masyadong metikuloso ‘yon, masyadong perfectionist,” ani Ai-Ai.

Labis niyang ikinatuwa nang mapili siya ng aktor na maging bahagi ng kanyang pelikula.

“Natuwa nga ako nu’ng kinuha niya ako, e. Sabi ko, ‘Baby Boy, thank you, kinuha mo ako sa MMFF, excited ako.’ Sabi niya, Thank you, Mommy. Mas thank you kasi nagtiwala ka sa akin,’” kuwento pa niya.

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang komedyante, performer at aktres.

Sa naunang ulat, ibinahagi ng Comedy Queen ang pagpapaliban sa planong magkaanak sila ng asawang si Gerald Sibayan dahil sa suliraning pangkalusugan.

POPULAR: Read more about Ai-Ai delas Alas here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines, holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel