Babaeng may taning na ang buhay, naisalba ng bagong kinakasama ng kanyang mister

Babaeng may taning na ang buhay, naisalba ng bagong kinakasama ng kanyang mister

- Tinulungan ang isang babaeng may taning na ang buhay ng bagong kinakasama ng kanyang mister

- Mayroon na kasing malubhang karamdaman ang dating misis at sinabihan na siyang wala raw magagawa pa ang mga doctor dito

- Nagbuo ng isang fund raising page ang babae para sa dating misis ng kanyang kinakasama sa kadahilanang nais pa niyang madugtungan ang buhay nito

- Mabuting ina raw kasi ito at labis na nakakadurog ng puso kung mauulila ang mga bata ng maaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naisalba ng bagong kinasama ng mister ang dating misis nito sa matinding dagok ng kanyang buhay.

Mayroong stage 4 cervical cancer si Nicola Hitchen at nataningan na ng doctor at wala na raw maari pang gawin sa kanyang sitwasyon.

Gayunpaman, di pa rin sumuko ang 41-anyos na ginang mula Northwest England at naghanap pa ng ibang paraan upang madugtungan ang kanyang buhay.

Natuklasan niya ang isang pioneering clinic sa Turkey at doon siya nagsimula ng chemotherapy.

Iyon nga lang, ayon sa Aol, umabot na agad sa $105,000 o mahigit 5 milyong piso ang limang 10-day session niya.

Ngunit sa kabila ng laki ng gastos na ito, himalang lumiit nang halos wala na ang kayang tumor.

Babaeng may taning na ang buhay, naisalba ng bagong kinakasama ng kanyang mister

source: Just Giving
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit kinakailangan pa rin nito ng patuloy na gamutan na nangangahulugan naman ng matinding kagastusan.

Nang malaman ito ni Clair Hitchen, ang bagong kinakasama ng dating mister ni Nicola, bumuo ito ng fundrasising page upang masustentuhan ang epektibong gamutan nito.

Ayon kay Clair, mabuting tao at higit sa lahat ay mabuting ina si Nicola. Nararapat lamang daw na madugtungan ang buhay nito alang-alang na rin sa mga anak na kaawa-awa naman kung maulila.

Laking pasalamat naman ni Nicola sa ginawa na ito ni Clair para sa kanya dahil nasa $30,000 na ang nalikom nito, o 44% ng kinakailangan pa niyang halaga na $66,000.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel