Mystica, nanawagan sa lahat ng guro na panagutin si Raffy Tulfo

Mystica, nanawagan sa lahat ng guro na panagutin si Raffy Tulfo

- Binanatan ni Mystica si Raffy Tulfo kaugnay sa isyung kinasangkutan nito kamakailan

- Nanawagan ang singer sa mga guro at mga taong sumusuporta sa gurong si Gng. Melinda Limjuco

- Ayon pa kay Mystica, dapat, bigyan ng leksiyon ang broadcast journalist dahil sa ginawa nitong pamamahiya sa guro

- Inihayag din niya ang kanyang sama ng loob kay Mr. Tulfo kaugnay sa kanyang inilapit na kaso sa programa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling binanatan ng singer na si Mystica si Raffy Tulfo. Ito ay matapos ang kontrobersiyal na "pamamahiya" diumano nito sa gurong si Gng. Melinda Limjuco.

Nanawagan si Mystica sa lahat ng guro at sa Kagawaran ng Edukasyon na sana ay mabigyan diumano ng leksiyon ang broadcast journalist.

Ayon pa sa kanya, nilalagay na ng journalist ang batas sa kanyang mga kamay. Kunwari lang daw ang pagtulong nito sa mga tao dahil kung tutuusin daw ay barya lamang ang binibigay ni Mr. Tulfo sa mga tao kumpara sa kinikita diumano nito sa YouTube.

Binanggit din niyang si Raffy Tulfo ang dahilan kung bakit siya dumaranas ng cyber bullying. Ito diumano ay matapos sabihin ng journalist na kailangan niya ng professional at medical help. Kaugnay ito sa reklamong inilapit ni Mystica sa programa ni Raffy Tulfo laban sa dalawang blogger.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hinimok din niya ang mga mambabatas na umaksiyon laban kay Mr. Tulfo para sa kagaya niyang nabiktima diumano ng cyber bulying.

Narito ang kanyang buong pahayag.

Sa naunang ulat, hinamon ni Mystica si Jaya dahil sa pag-gong nito kay Shirley Fuentes sa celebrity edition ng Tawag ng Tanghalan.

Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay isang aktres na nakabilang sa mga palabas kagaya ng Ang Probinsyano (2015), D' Uragons (2002) and Pipo (2009). Tinagurian din siyang 'split queen' nang sumikat siya bilang isang mang-aawit.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines, holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel