Raffy Tulfo, ipinagtanggol ng kanyang mga taga-suporta

Raffy Tulfo, ipinagtanggol ng kanyang mga taga-suporta

- Nagpahayag ng suporta ang mga netizens na patuloy na naniniwala sa kabutihan ni Raffy Tulfo

- Ito ay matapos mag-viral ng isang episode ng Raffy Tulfo in Action kung saan inireklamo ng magulang ng isang mag-aaral ang isang guro

- Binatikos ng husto ang mga naging hakbang ni Mr. Tulfo matapos nitong sabihin na patatanggalan ng lisensiya ang guro

- Humingi naman siya ng tawad sa mga netizens at binawi ang kanyang naging pasya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nanatiling nakasuporta ang mga taga-hanga ni Raffy Tulfo. Ito ay sa gitna ng pambabatikos sa broadcast journalist hinggil sa naging pasya niya sa inireklamong guro na diumano'y nanakit ng isang mag-aaral.

Naging mainit ang usapin tungkol sa isyu sa social media. Kahit ang mga guro ay naglabas ng kanilang saloobin tungkol sa kamuntikan nang pagkawala ng lisensiya ng guro.

Dahil sa matinding reaksiyon mula sa netizens, humingi ng paumanhin si Mr. Tulfo at kinausap ang magulang na nagrereklamo na pagbabatiin na lamang sila at hindi na aabot sa pagpapatanggal ng lisensiya ng guro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami sa mga tagasubaybay sa kanyang programa na nanonood sa YouTube ang umalma. Gayunpaman, may mga nagpahayag ng kanilang suporta at patuloy na paghanga kay Mr. Tulfo.

Katuwiran ng ilang netizens, sana ay huwag kalimutan ang maraming magagandang ginawa ng broadcast journalist dahil lamang sa isang beses na pagkakamali nito.

Narito ang ilan sa mga mensahe ng netizens para sa tinaguriang "takbuhan ng mga inaaapi."

Si Raffy Tulfo ay isang Filipino broadcast journalist na nakilala sa kanyang programang Wanted sa Radyo, on Radyo5 92.3 News FM.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines, holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel