Pinay OFW, labis na nalungkot dahil hindi siya kilala ng anak na dalawang taong hindi nakasama

Pinay OFW, labis na nalungkot dahil hindi siya kilala ng anak na dalawang taong hindi nakasama

- Ibinahagi ng isang Pinay OFW ang isang video kung saan hindi siya nakilala ng kanyang anak

- Ito ay matapos ang dalawang taon na pagtatrabaho niya sa ibang bansa

- Ayon sa kanya, masakit para sa kanya na iba ang kinikilala magulang ng kanyang anak

- Nagbigay din siya ng payo para sa mga katulad niyang OFW na kailangan lumayo para lang makapagtrabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng isang ina ang isang nakakalungkot na pagtatagpo nila ng kanyang anak na nawalay sa kanya sa loob ng dalawang taon. Ayon sa Pinay OFW na si Mariabel Delapeña Rustia, magkahalong saya at lungkot ang kanyang nadama.

Masaya siya na sa wakas ay makakasama niya na ang anak na iniwan niya sa kanyang magulang noong pitong buwan pa lamang ito upang makapagtrabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ang dalawang taong pagtatrabaho, umuwi siya ngunit ikinalungkot niyang hindi siya makilala ng kanyang sariling anak at ang kaniyang lolo at lola ang kinikilala nitong mga magulang.

Masakit man ay kailangan niya daw itong tanggapin. Payo niya pa sa kapwa niya OFW na may naiwang anak, sana daw ay huwag na patagalin at sunggaban ang anumang oportunidad para makauwi na sa pamilya.

Sadyang hindi biro ang pagiging isang OFW o Overseas Filipino Worker. Kaya naman maituturing din silang mga bayani dahil sa kanilang sakripisyo para lang maibigay ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay. Tinitiis nila ang hirap, pagod at pangungulila kapalit ng magandang buhay para sa kanilang pamilya.

Samantala, sa naunang ulat, isang Pinay OFW ang kinabiliban matapos niyang ibahagi ang bunga ng kanyang paghihirap sa pangingibang bansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines, holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate