Ilang delegasyon ng SEA games, mahigit 2 oras na naghintay bago naihatid sa kanilang hotel

Ilang delegasyon ng SEA games, mahigit 2 oras na naghintay bago naihatid sa kanilang hotel

- Agad na nagkaroon ng problema sa pagdating pa lamang ng ilang delegasyon ng Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa

- Mahigit dalawang oras na naghintay sa airport ang mga delgado mula Myanmar, Timor-Leste at Thailand bago sila masundo at maihatid sa hotel na kanilang tutuluyan

- Nagreklamo ang mga ito dahil sa aberyang naganap dahilan upang di sila makapag-ensayo

- Nagpahayag naman ng paghingi ng paumanhin ang organizers ng SEA games sa bansa dahil sa nagkaroon lamang daw ng kalituhan sa transportation at accommodation ng mga delegado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakatanggap ng reklamo ang Local organizers ng Southeast Asian Games ngayong Linggo, Nobyembre 24 matapos na di umano'y maghintay ng halos tatlong oras ang mga delagado ng Myanmar, Timor-Leste at Thailand sa airport bago sila masundo at madala sa hotel na tutuluyan.

Ayon sa Inquirer, agad na humingi ng paumanhin ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa naging aberyang ito sa pagdating palang ng mga delagado sa bansa.

Dahil sa mga nangyari, di raw nakapag-ensayo ang Football team ng Myanmar na dapat ay sa gabi na agad ng Nobyembre 23.

Ito rin umano ang dahilan ng Football team ng Thailand kung bakit kinailangan naman nilang i-reschedule ang kanilang practice.

Mabilis na kumalat ang mga larawan ng ilang delegasyon na kitang-kita na ang pagkabagot at pagod sa paghihintay sa airport at ang ilan naman ay sa carpet ng hotel na di pa raw handa para sa accommodation ng mga kalahok sa SEA games.

Nadala ang mga delgado ng Timor Liste sa Century Hotel na dapat ay sa Hotel Jen.

Sinabi ng PHISGOC na huli na nang masabihan sila ng Cambodian team tungkol sa kanilang arrival time.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nilinaw din nilang dumating naman sa oras ang sasakyang magdadala sa mga delegado sa hotel ngunit ang standard check-in time kasi roon ay 2:00 ng hapon.

Magsisilbing paalala raw ang pangyayaring ito sa mga organizers na mas sipagan pa at maging mabusisi sa kanilang ginagawa.

Sa panayam ng ABS-CBN sa coach ng Football team ng Myanmar na si coach Velizar Popov, aminado itong hindi siya nasiyahan sa aberyang nangyari ngunit di raw ito ang mahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin sa kanilang pagpunta sa bansa.

Magsisimula na ang Football tournament sa Lunes, Nobyembre 25 at opisyal na magbubukas ang SEA Games sa Sabado, Nobyembre 30.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel