Rebelasyon ukol sa ina na inireklamo ang guro kay Tulfo, umani ng samu't saring reaksyon

Rebelasyon ukol sa ina na inireklamo ang guro kay Tulfo, umani ng samu't saring reaksyon

- Isang netizen ang naglabas ng detalye ukol sa nakaraan ni Rosemil Edroso, ang ina na inireklamo ang guro ng kanyang anak kay Raffy Tulfo

- Naging mainit na isyu ang episode na ito ng Tulfo na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens

- Isa sa mga komento ng nagpakilalang guro ni Rosemil ang nagbunyag ng kanyang pinagdaanan

- Ito raw marahil ang nabanggit ni Rosemil na maging siya ay naagrabyado at nasira na sa publiko

- Karamihan ng netizens ang nagsabing di na maganda na ibinunyag pa ito ng guro

- Samantala, isang abogado na nagpresintang tumulong sa guro ang nagsabing nagkaayos naman na ang dalawang panig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa ng labis na ingay ang episode ng Raffy Tulfo in Action ukol sa lola at ina na inireklamo ang isang guro ng pamamahiya sa kanyang estudyante.

Dahil dito, umani ng diskusyon ang pangyayari lalo pa at agad na pinapili ng host ng programa kung magbibitiw na lamang ito sa tungkulin o makakasuhan ito at matatanggalan ng lisensya.

Maging si Tulfo ay nabatikos ng mga netizens sa agarang "aksyon" na ito na kanyang ginawa sa guro.

Isa sa mga komento sa mainit na balitaktakan na ito ang napansin ng netizens at agad ding nag-viral.

Nalaman ng KAMI na dating guro ni Rosemil ang netizen na si Eric Dolloso.

Ayon kay Eric, first year college pa lamang nang mabuntis si Rosemil. Ito raw ang dahilan kung bakit ito nahinto sa pag-aaral.

Mula raw ito sa Araullo high school at sadyang maganda na noon pa man.

Ngunit, nabanggit din ni Eric na di raw ito pumasa sa kanya. Naiugnay pa tuloy dito sa sinabi ng lola na matalino naman ang apo at di raw nararapat na mapahiya ito ng guro.

Ito marahil ang tinutukoy ni Rosemil na kahihiyang kanya ring kinakaharap mula nang maging mainit na isyu ang kanilang pagrereklamo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagkaroon tuloy ang mga netizens ng panibagong pag-uusapan tungkol sa pagkatao mga dumulog sa programa ni Tulfo.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang babaw. Pati bata dinamay na walang utak kasi nanay walang utak?"
"Hala, pati tuloy yung nanay nadamay... tsk tsk,"
"Baka naman sa ama nagmana hindi sa nanay, sablay na ito"
"Di naman na yata tama na pati nakaraan ng mommy sasabihin pa..."
"Si Tulfo ang naghatol hindi yung lola at nanay, siyempre napahiya yung bata kaya ganyan reaksyon nila"
"Wow, pati talaga yan sasabihin pa?"
"Iba yung problema, hindi na yung mommy!"

Samantala, di pa man nagkakaharap sa programa ni Tulfo ang guro at panig ng lola atina ng bata ay nagkaayos na raw ito ayon sa abogadong nagmalasakit tumulong sa guro.

Ang DepEd na raw ang namagitan sa dalawa upang magkaayos.

Magsilbing aral sana sa bawat isa sa atin ang pangyayari. Laging tatandaan na may tamang proseso ang pag-aayos ng mga bagay.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel