Mga pulis, pinakain at ipinamili ng gamit ang batang takot daw sa kagaya nila

Mga pulis, pinakain at ipinamili ng gamit ang batang takot daw sa kagaya nila

- Nag-viral ang dalawang pulis na nagmalasakit sa isang batang babae

- Nalaman nilang takot ang bata sa mga pulis kaya naman kinaibigan nila ito

- Naikwento pa ng bata na ni minsan ay di pa pala ito nakakakain sa Jollibee

- Naluha ang isa sa mga pulis kaya naman binalikan nila ang bata para pakainin sa Jollibee kasama ang ama nito

- Ipinamili na rin nila ito ng mga gamit kaya naman bakas sa mukha ng bata na di na ito takot sa mga pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang pagmamalasakit ng dalawang pulis sa isang batang babae na takot daw sa tulad nila.

Ayon sa I love PNP, nakatira ang pamilya ng bata sa isang liblib na lugar sa Ilocos Sur.

Nalaman ng KAMI na kinaibigan ng pulis ang bata upang maalis ang takot nito sa kanila.

Naikwento ng bata na di pa pala ito nakakakain sa Jollibee, marahil sa layo ng kanilang lugar dito.

Di napigilang maluha ng isang pulis nang malaman ito kaya naman naisipan nilang balikan ang bata upang ipasyal.

Nandung halos bitbitin na ng mga pulis ang bata sa hirap ng kanilang daraanan patungo sa bayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasama ang ama nito, dinala ang bata sa Jollibee at pinakain.

Bakas sa mukha ng bata ang labis na kaligayahan dahil bawat bata talaga sa bansa, paborito ang Jollibee.

Hindi lamang iyon, ipinasyal at ipinamili rin ng mga pulis ang bata ng mga bagong gamit na magagamit niya sa araw-araw.

Pati na rin ang pamilya ng batang babae ay binigyan din nila ng makakain.

Sadyang nakakabilib ang ginawa na ito ng mga pulis kaya naman umabot sa 502,000 na positibong reaksyon ang post.

Tunay na ang mga pulis sa bansa ay maasahan sa anumang uri ng tulong para sa kanilang kapwa.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel