Batang nag-champion at pinag-Jollibee ng guro, may nakakadurog ng pusong kwento

Batang nag-champion at pinag-Jollibee ng guro, may nakakadurog ng pusong kwento

- Nag-viral ang post ng isang guro tungkol sa kanyang estudyante

- Labis daw itong naantig sa kwento ng buhay ng bata na di niya akalaing dinadala na ng isang Grade 1 student

- Nagulat din ito na nang malamang di pa manlang nakakapasok ng Jollibee ang bata

- Inilibre ng guro ang bata na nag-kampeon daw sa sinalihan nitong kompetisyon

- Sa kabila ng mga pinagdaraanan sa buhay ng estudyante, nanatiling honor student ang batang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang nakakaantig ng pusong post ni Teacher Venus Sulit tungkol sa kanyang estudyanteng si Jayson D. Maghirang.

Nalaman ng KAMI na nag-champion ang bata sa mathrathon sa kanilang paaralan sa Sariaya East kaya bilang premyo, inilibre ito sa Jollibee ng kanyang Teacher Venus.

Ayon sa post, di raw makapaniwala ang bata na ililibre siya ng guro.

Kwento ni Jayson, mula nang maipanganak siya, di pa raw siya nakakapasok at nakakakain sa Jollibee.

Di raw napigilan ni Teacher Venus na maluha. Mabuting bata raw kasi talaga si Jayson. Bukod sa talino nito sa Math, honor student daw talaga ito.

Minsan, napagalitan din umano niya si Jayson. Oras kasi ng klase at wala pa ito sa kanilang silid. Natagpuan niya ang bata sa canteen na nanonood ng TV.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang ito raw ay kanyang kastiguhin, humingi naman daw ito ng paumanhin at sinabing di niya namalayang napatunganga na siya sa TV. Wala raw silang TV at wala rin silang kuryente kaya naman noon lamang siya nakapanood.

Dahil sa pangyayaring iyon, naikwento ni Jayson ang kanyang buhay sa guro.

Nang malaman ito ng guro, mas lalo siyang humanga sa estudyante dahil sa mura nitong edad, nahaharap pa rin niya ang araw-araw ng may ngiti sa kanyang labi.

Bakas sa mga ngiti ni Jayson sa larawan ang kasiyahang kanyang babaunin dahil may isang Teacher Venus siyang nagmamalasakit at tumatayo bilang pangalawa niyang ina.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel