Ivana Alawi, dinamitan ng isang netizen matapos ang pagdagsa ng "reklamo"

Ivana Alawi, dinamitan ng isang netizen matapos ang pagdagsa ng "reklamo"

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang mga edited na litrato ni Ivana Alawi

- Ito ay matapos ibahagi ng isang Facebook user ang mga litrato ng aktres

- Nilagyan na ng damit ang mga litrato upang mas maitago ang katawan ng aktres

- Matatandaang nag-viral kamakailan ang mga "reklamo" ng ilang kababaihang may mga karelasyon na sumusubaybay kay Ivana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Facebook user ang nagbahagi ng mga litrato ni Ivana Alawi. Ibinahagi ni Queenie Wyn Marzan ang ilang litrato ni Ivana na naka-edit na at natakpan ang katawan nito.

Hirit ni Marzan, ginawa niya iyon para sa mga jowa ng "nagrereklamong" kababaihan sa social media. Matatandaang nag-viral ang ilang post ng netizens na nambuking sa kanilang karelasyon na sumusubaybay diumano sa aktres.

Ibinahagi din ito ni Ivana sa kanyang Facebook account at pabirong nagtanong kung makikilala na daw ba niya si Raffy Tulfo matapos pabirong pagbantaan na ipapa-Tulfo diumano siya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mabilis naman nag-viral ang Facebook post ni Marzan. Umabot sa 6,000 shares at 5,400 reactions ang kanyang post.

Samantala, narito ang ilang reaksiyon ng mga netizens:

Ang ganda lalo pag may damit
Bat ba ganyan kayo kay Lolitaaaa? Hahaha
Ivana ayan may nakatakip na.. ganda padin
Ang daming may issue sa ka sexy'han ni Ivana!
Ayan Kumareng Ivana may nagmagandang loob na bihisan ka.

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa StarStruck. Lumipat siya sa Kapamilya Network at napabilang sa mga teleseryeng FPJ's Ang Probinsiyano, Mea Culpa, at Sino ang may Sala?

Sa naunang ulat, isang mister ang nabuking ni misis sa pag-like sa mga hot photos ni Ivana Alawi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird!. Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactionson KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel