Guro na inireklamo kay Tulfo, pinuri ng isang magulang sa kabila ng kontrobersiya

Guro na inireklamo kay Tulfo, pinuri ng isang magulang sa kabila ng kontrobersiya

- Pinuri pa rin ng isang magulang si Teacher Melita Limjuco sa kabila ng reklamong kinahaharap nito na humantong pa sa programa ni Raffy Tulfo

- Sa kabila ng mga paratang sa guro na pamamahiya, binahagi ng magulang na ito ang dedikasyon ni Teacher Melita sa kanyang pagtuturo

- Kamakailan ay nag-viral ang episode na ito ng "Raffy Tulfo in Action" dahil umano sa maling proseso ng pag-aksyon sa akusasyon sa guro

- Nag-ayos na raw ang ang magkabilang kampo ayon sa isang abogado na tumulong sa guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng mainit na kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng gurong si Melita Limjuco, isang magulang ang nagbahagi ng karanasan ng kanyang anak na naging naging estudyante ni Teacher Melita.

Si Mrs. Limjuco ang inireklamong guro sa programa ni Raffy Tulfo ng pamamahiya di umano sa isang estudyante.

Ayon naman sa post ng isang ina na si Charmaine Dicang, naging guro rin ng kanyang anak ni Teacher Melita.

Naalala niyang ito raw ang nagtiyagang nagturo sa kanyang anak na magbasa dahil umabot daw ito ng Grade 2 na hirap pa ring magbasa.

Naglalaan daw talaga ng oras ang guro upang maturuan ang bata.

Malaki raw ang pasalamat ni Charmaine dahil sa dedikasyon ni Teacher Melita, nakapagbasa ang kanyang anak.

Katunayan, kahit di kataasana ang grado ng bata, binigyan pa ng guro ng special award ang anak ni Charmaine dahil natapos ang panuruang taon na marunong na itong magbasa.

Nang malaman pa raw nito ang reklamo sa kanyang Teacher Melita, naiyak daw ito.

Ayon sa bata, di naman daw nanakit ang guro at sadyang nagdidisiplina lamang ito sa kanyang klase.

"Salute to Mrs. Limjuco" ang nasulat pa ni Charmaine.

Agad ding nag-viral ang post na ito ng magulang na nagpapakita rin ng suporta sa guro.

Maraming netizens ang nagsabing mali na nahatulan agad ng programa ni Raffy Tulfo ang guro nang di dumadaan sa tamang proseso.

Sa naunang ulat ng KAMI, nakinig naman si Tulfo sa panawagan ng publiko kaya kinausap nito ang nagrekalmong magulang na makipag-ayos na lamang sa guro.

Sa umpisa'y ayaw pang pumayag ng ina ngunit nakumbinsi din naman ito ng host na magharap ang dalawang panig sa Lunes, Nobyembre 25.

Ngunit bago pa man ito mangyari, isang abogado ang nagbigay na umano ng update sa sitwasyon.

Namagitan na raw umano ang DepEd, at sinabing nagkaayos na ang dalawang kampo.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel