Lalaki sa jeep, pinuri sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa kasakay na mag-ina

Lalaki sa jeep, pinuri sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa kasakay na mag-ina

- Viral ang post tungkol sa lalaking nagbigay ng tulong pinansyal sa mag-inang nakasakay nito sa jeep

- Binigyan niya ng ₱500 ang bata at nang malamang manganganak na pala ang ina nito, nagbigay muli siya ng ₱1000

- Binigay pa umano ng lalaki ang cellphone number niya sakaling kailanganin ng mag-anak ng tulong

- Humanga ang kasakay din niya sa jeep kaya binahagi nito sa social media ang nakaaantig na pagtulong ng lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng papuri ang di napangalanang lalaki sa viral post kung saan kusang loob itong tumulong sa mag-inang nakasakay lamang niya sa jeep.

Ayon sa post ni John Robert Batistis, isang pasahero ng jeep ang nagbahagi ng kabutihan.

Nakita umano kasi nitong nag-iiyak ang bata kaya binigyan daw ito ng lalaki ng ₱500 para pang-kain.

Nalaman ng KAMI na nang napag-alaman pa ng lalaki na manganganak na ang ina ng bata, nagdagdag pa muli ito ng ₱1000.

Binigay pa ng mabuting taong ito ang kanyang cellphone number sa mister ng babae sakali raw na kailanganin pa ng mga ito ng kanyang tulong.

Labis na namangha ang kapwa niya pasahero kaya naman binahagi nito ang nasaksihang mabuting gawain ng lalaki.

Samantala, maging ang mga netizens ay naantig sa ginawa ng pasahero. Sana raw ay dumami pa ang tulad ng lalaking ito na marunong magbahagi ng kanyang biyaya sa kanyang kapwa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Godbless poh kuya sana mas dumamami pa poh ang katulad mo mas maraming blessings ang babalik sayo kuya salamat"
"Yan ang tunay na pinagpapala ng Panginoon,,hnd nagsasawang tomolong...Godbless po kuya..."
"Napakabuti mo Sir! likas kana sigurong matulongin. Saludo po ako sayo sana tularan ka ng kadamihan. God bless you more."
"Ang galing nman my mga tao prin pla na my mbbuting puso saludo aq sau kua."
" Marami parin talaga sa ating mga pilipino ang likas na matulongin at may mabuting puso.mabuhay ka brod saludo ako sau...."
"Sana all kuya katulad mo handang tumulong sa mga nangangailangan.kaht mukhang mahirap lng po kau pero napaka buti nu po sa kapwa..saludo po aq sa inyo sana mrmi pa ang kagaya mo kuya."

Umabot na sa 48,000 ang mga positibong reaksyon sa viral post.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel