Ina na inireklamo ang guro, di agad pumayag na pagbatiin sila sa programa ni Tulfo

Ina na inireklamo ang guro, di agad pumayag na pagbatiin sila sa programa ni Tulfo

- Usap-usapan ngayon ang kontrobersyal na reklamo ng lola at ina ng isang batang di umano'y pinahiya ng guro

- Maging si Raffy Tulfo at nabatikos sa agaran niyang pagbibigay ng opsyon na kasuhan ang o tanggalan ito ng lisensya

- Nakinig sa panawagan ng mga netizens si Tulfo at pagbabatiin na lamang sana ang mga magkabilang panig

- Di agad pumayag ang nagreklamong ina at kinailangan pa itong kumbinsihin ni Tulfo

- Sumang-ayon ito ngunit hiniling nitong mag-public apology muli ito lalo pa at inimbitahan na rin ito ni Tulfo sa kanyang programa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang naglabas ng kanilang saloobin ukol sa guro na inireklamo ng pamamahiya at pananakit ng estudyante.

Nalaman ng KAMI na idinulog na agad ito sa programang Wanted sa Radyong lola at ina ng estudyante na si Rosemil Edroso upang maaksyunan daw agad ang nagawa ng guro.

Inamin namanng guro ang kanyang pagkakamali na nasapul sa CCTV.

Ngunit ang di nagustuhan ng netizens ay ang opsyon kung saan pinatitigil na sa serbisyo ang guro o di kaya naman matanggalan ito ng lisensya at ang malala ay ang makasuhan.

Sa naunang ulat ng KAMI, naglabas na umano ng pahayag si Tulfo na tila nabatikos din sa mga opsyon niyang binigay sa guro.

Base sa opinyon ng karamihan ng netizens, di raw dumaan sa tamang proseso ang paghatol sa guro.

Nakinig naman ang sikat na host sa mga netizens at nagdesisyong siya na rin mismo ang mag-aayos sa panig ng lola at ina at panig ng guro.

Nang makapanayam ni Tulfo si Rosemil, di agad ito pumayag na basta na lamang sila pagbatiin ng guro.

Sila raw kasi ang naagrabiyado at matindi rin daw ang dating nito sa kanilang pamilya.

Pilit na ipinauwa muli ni Tulfo ang sitwasyon. Nilinaw niya na may haharapin pa ring karampatang aksyon ang guro sa nagawa nito ngunit hindi ang pagpapakulong at pagpapatanggal sa serbisyo.

Nakumbinsi naman ni Tulfo ang ina na harapin ang guro sa kondisyon na muli itong mag-public apology.

Narito ang kabuuan ng panayam:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!

Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel