Estudyanteng pedicab driver, pangarap na ang "fried chicken"

Estudyanteng pedicab driver, pangarap na ang "fried chicken"

- Para sa 15-anyos na si John Paul, pangarap na ang makakain ng fried chicken

- Hindi madali para rito at sa pamilya nito ang araw-araw na pamumuhay kaya naman napipilitan itong kumayod bago pumasok sa eskuwelahan

- Namamasada muna ito ng pedicab sa umaga bago ito pumasok sa tanghali

- Bukod dito, isa rin si John Paul sa mga batang hindi sapat ang tangkad sa kanyang edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dala ng kahirapan, napipilitang kumayod ng 15-anyos na si John Paul bilang pedicab driver.

Sa ulat ng Kapuso program na Brigada (reporter, Mariz Umali) napaglamang namamasada muna si John Paul sa umaga bago ito pumasok sa paaralan sa tanghali.

Nakalulungkot na para kay John Paul, pangarap na ang makakain ng fried chicken.

Ngunit dahil hindi sapat ang kinikita ng kanyang mga magulang para makabili nito, tila mailap pa rin para sa kanila ang makapaghain ng pritong manok.

Pero si John Paul, hindi nawawalan ng pag-asa na balang-araw ay matitikman din ng kanyang pamilya ang masarap na pagkain.

Ngunit hindi lamang ito ang problema ni John Paul, dahil isa ito sa mga batang hindi sapat ang tangkad sa kanyang edad.

Dahil ang kanyang laki na 151.5 cm. ay naaangkop lamang sa mga batang 10 taong gulang.

Sa halip din na grade 9 na si John Paul ay nasa grade 5 pa lamang ito dahil din sa hirap ng buhay.

Kaya naman napipilitan daw itong magsinungaling sa kanyang totoong edad dahil nahihiya raw siya sa mga kaklase.

Madalas man tayong makarinig ng ganitong kwento, nakalulungkot na ang mga musmos na katulad ni John Paul ay maagang dumaranas na ng matitinding hamon ng buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel