Netizen, nadismaya sa inorder online na relo na para raw "time machine"

Netizen, nadismaya sa inorder online na relo na para raw "time machine"

- Sa halip daw na relo ay "time machine" ang dumating na order ng isang netizen

- Ayon sa uploader, inorder niya ang relo sa shopping application na Lazada

- Ipinakita pa nito ang relo na pabaliktad nga naman ikot at tila pabalik ang oras

- Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang karanasan sa pag-order sa shopping application na Lazada.

Ayon sa uploader na si Raymond Añonuevo, sa halip daw kasi na relo ay time machine ang ipinadala sa kanya ng shopping app.

"LAZADA GAMING Omorder ka ng Relo pero Time Machine ung deliver," ayon sa caption ni Añonuevo.

Ipinakita pa nito sa pamamagitan ng isang video ang relong inorder na pabaliktad ang ikot ng kamay ng segundo.

Umabot na sa halos tatlong milyon ang views ng nasabing video at mahigit 89K shares sa Facebook.

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

"Pag huminto na yan, nasa panahon ka nila LAPULAPU AT MAGELLAN sa gitna ng labanan."

"Sana lahat ng oras bumabalik hahaha."

"Baliktarin mo na lang yang relos mo."

"Yung gusto mo ng kalimutan ang lahat at mag move on pero pilit kng ibabalik s nakaraan ni Lazada."

"Tawang tawa ako sa "pabalik oh, ang galing" ramdam ko yung pagkadismaya niya."

"buti d ganto nabili ko."

"Same as mine sir...Lazada rin..kaya di na ko nag order ulit.."

"Pahiram namn nyan. Gamitin ko lang para makabalik ako sa taong mahal ko hahahahahha."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel