Anak ng guro na ipina-Tulfo, ipinagtanggol ang ina sa sinapit nito

Anak ng guro na ipina-Tulfo, ipinagtanggol ang ina sa sinapit nito

- Naging usap-usapan ang kontrobersiya na kinasangkutan ng guro na di umano'y inireklamo ng pamamahiya ng kanyang estudyante

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang kinahinatnan ng guro lalo pa at di raw umano ito dumaan sa tamang proseso

- Maging ang host ng programa na si Raffy Tulfo ay inulan ng batikos dahil mga opsyon na binigay agad nito nang di pa man lang inaalam ang panig ng guro

- Dumagdag pa raw ang mga netizens na agad na nahusgahan ang guro kahit di pa nalalaman ang buong kwento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang reklamo ng isang lola laban sa gurong si Gng. Melita Limjuco na inaakusahan ng pamamahiya at pananakit ng kanyang estudyante.

Dumulog na ang lola ng bata na si Salve Bañez sa programa ni Raffy Tulfo upang agad daw na maaksyunan ang kaso.

Isina-ere ang episode na ito noong Nobyembre 18 kung saan nakausap mismo ng host via phone patch ang akusadong guro.

Binigyan agad ng opsyon ang guro kung bibitiw na lamang siya sa propesyon o itutuloy pa niya subalit maari siyang kasuhan at makulong.

Mabilis na nakasagot ang guro na iiwan na lamang niya ang pagtuturo.

Dahil dito, umani na ng iba't ibang reaksyon ang episode na ito na maging ang anak ni Gng. Limjuco na si Kyla ay nakapagsalita na rin sa kanyang Facebook post.

Nalaman ng KAMI na masama ang loob ng anak ng guro dahil sa umano'y nahusgahan ang kanyang ina nang di man lang nalalaman ng madla ang panig nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lakas loob ding nasabi ni Kyla na di karapat-dapat na tawagin na "Idol" si Raffy Tulfo sa ginawa niyang paghatol sa guro.

Ayon pa kay Kyla, dumagdag pa raw ang mga netizens na agad na hinusgahan ang kanyang ina nang di pa manlang nalalaman ang buong kwento sa nangyaring ito.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito sa pamilya ni Kyla, lubos pa rin daw siyang nagpapasalamat sa mga taong sumusuporta sa kanila.

Katunayan, di rin sila iniwan ng ga kaguruan na naghuhumiyaw ng maayos na proseso para kay Gng. Limjuco.

Sana man lang daw ay nabigyan ito ng pagkakataong magpaliwanag at hindi agarang binigyan ng opsyon na lisanin ang pagtuturo na ginagampanan niya sa loob ng 29 na taon.

Narito ang kabuuan ng viral post ni Kyla:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel