Nilimas pa ang gamit niya! Lola, natangayan ng ₱712,000 ng hinihinalang budol-budol gang

Nilimas pa ang gamit niya! Lola, natangayan ng ₱712,000 ng hinihinalang budol-budol gang

- Humingi ng tulong ang isang 77-anyos na lola na nabiktima ng hinihinalang budol-budol gang

- Mula bangko sa San Mateo, naisama siya ng grupo sa isa namang bangko sa Makati

- Madali raw niyang nakapalagayan ng loob ang nagpakilalang mag-asawa at kasama pa raw niya itong kumain

- Hanggang sa maibalik siya sa parteng Marikina, saka niya napansing wala na ang mga gamit niya at iniwan na lamang siya sa isang taxi bay ng mall doon

- Nangako naman ang mga pulis na hindi titigil sa paghahanap sa grupong ito na nakunan ng CCTV habang kumakain sila kasama ang matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa 77-anyos na lola ang nabiktima umano ng hinihinalang budol-budol gang nang pumunta siya sa isang bangko sa San Mateo Rizal.

Dumulog na ito sa DZMM sa programa ni Julius Babao upang humingi ng tulong na mahuli ang mga masasamang loob na gumawa nito sa kanya.

Ikinuwento ng nagpakilala na Lola "Goria" ang modus ng grupo sa kanya na umabot ng 12 oras.

Sa umpisa'y lumapit lamang ang isang babae at lalaki na nagpakilalang dating suki ng manok sa palengke na maswerteng nakapunta na sa Canada.

Nang marinig daw ng lola ang Canada, mas lalong naging palagay ang loob nito sa dalawa at tinuloy ang pakikipagkwentuhan.

Nagawa pa nga raw nilang kumain sa isang fast food at nabanggit pa ang tungkol sa malaking perang dala ng "mag-asawa."

Bagaman at may halong takot na rin ang matanda, naging positibo pa rin siya lalo pa at nagpapatulong na rin siya sa "mag-asawa" para makapunta na rin ang isa sa mga apo niya sa Canada.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang masaklap, nadala si Lola Goria sa isang bangko sa Makati kung saan siya pinag-withdraw siya ng lahat ng kanyang pera.

Nang pabalik na sila, di rin namalayan ng matanda na maging ang kanyang mga hikaw, relo at bracelet pati na ang dalawang cellphone ay tangay na rin ng grupo.

Iniwan na lamang daw siya sa isang taxi bay sa mall at di na siya binalikan.

Nakaramdam daw talaga ng galit sa sarili ang lola dahil sa nalimas ng ganoon na lamang ang perang inipon niya sa loob ng 10 taon.

Di nalalayo ang nangyaring ito kay Lola Goria sa matandang nabudol din sa sarili niyang bahay na una nang nai-ulat ng KAMI.

Samantala, di naman daw titigil ang pulisya sa pagtugis sa grupo lalo pa at nakunan ng CCTV ang mukha ng nagpakilalang mag-asawa nang kumain sila kasama ang lola sa isang fast food.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Lola Goria:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel