Bongga! "Uncommon" na wedding, umani ng maraming papuri

Bongga! "Uncommon" na wedding, umani ng maraming papuri

- Umani ng maraming papuri ang kakaibang wedding concept ng isang couple sa social media

- Talagang napa-sana all ang mga netizens sa bongga at unique na kasalan ng dalawa

- Bukod sa 'di karaniwan ang gown ng bride, naiiba rin wedding ring, invitation at iba pa

- Kaya naman hindi na kataka-taka kung bentang-benta ito sa marami at mabilis na nagviral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-pansin sa social media ang kakaibang kasalan ng couple na sina Jill at Allerie Lega na may "astig" na theme para sa kanilang big event.

Mula wedding gown ng bride, wedding shoes ng couple at maging mga unique at nakakatuwang bagay sa kasal ay may twist na personal daw idea ng mag-asawa.

Sa Facebook page ng Visuals by Alaz, ibinahagi nito ang mga larawan sa kasal nina Jill at Allerie.

"We are so in love with the "uncommon" details of our latest wedding," ayon sa caption ng FB post.

Mula kasi sa wedding gown ng bride na may blue embellishments at nagpapakita ng shorts nito at sa wedding shoes nito na Jordan trainers ay naiiba sa maraming kasalan.

Tagalog din ang ginamit sa kanilang invitation at may nakasaan pang: "Wala nang makakapigil pa, ang bumangga, giba."

At sa halip na wine ay gin ang inumin sa reception nila. Habang ang kanilang wedding ring ay may naka-engrave na "game" at "over".

Maging ang kanilang anak ay nakasuot din ng ternong rubber shoes sa kanyang nanay.

Ilan lamang ito sa mga twist sa kasal na talaga namang bentang benta rin sa mga netizens. Marami ang napa-sana all sa "uncommon" na wedding na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel