Video ng emosyonal na pagkikita ng OFW at pamilyang matapos ang 4 na taon, viral

Video ng emosyonal na pagkikita ng OFW at pamilyang matapos ang 4 na taon, viral

- Viral ang video ng emosyonal na muling pagkikita ng OFW at pamilya nito

- Apat na taon bago nakauwing muli ang Pinay kaya naman ganun na lamang ang pagkasabik niya sa kanyang pamilya

- Halos hindi niya namukhaan ang kanyang mga anak dahil sa laki na rin ng pinagbago ng itsura nito mula nang sila ay huling nagkita

- Umabot na sa mahigit 2 million ang views ng viral video sa dami ng OFW na naka-relate sa nakakaantig ng pusong pagtatagpo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng Facebook page na Crush ng Bayan ang nakakaantig ng puso na pagkikitang muli ng isang OFW at ng kanyang pamilya.

Ayon sa post, apat na taong di nagkita ang OFW ang kanyang mga kaanak kaya ganun na lamang ka-emosyonal ang kanilang pagtatagpo.

Sa umpisa pa lang ng video, nabitawan na nga agad ng Pinay ang kanyang mga gamit upang agad na mayakap ang kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila di na raw nito makilala ang mga supling dahil malaki na ang pinagbago ng mga ito mula noong huli sila nagkita.

Isa-isa nitong niyakap ang kanyang mga mahal sa buhay na labis na rin ang pagkasabik na makasama siya.

Kasama rin sa pagsundo ang ina ng OFW na mahigpit ding niyapos ang anak.

Bakas sa bawat isa sa kanila ang kasiyahang nakauwi na ang Pinay at kapiling na nila ito.

Umabot na sa mahigit 2.5 million ang views ng post sa dami ng naka-relate sa ganitong uri ng sitwasyon.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel