Nanay na OFW, naging emosyonal nang hindi makilala ng anak pag-uwi niya ng Pinas

Nanay na OFW, naging emosyonal nang hindi makilala ng anak pag-uwi niya ng Pinas

- Labis na naging emosyonal ang isang OFW na nanay dahil sa kanyang naging karanasan nang umuwi pabalik ng Pilipinas

- Halong emosyon ang naramdaman ng ina dahil hindi na siya nakilala ng kanyang anak

- Dalawang taon nakipagsapalaran ang Pinay sa abroad at ang mga magulang niya ang nag-alaga sa anak niya

- Giit ng OFW, kahit na masakit ang nangyari ay kailangan niya itong tanggapin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang video sa social media ang nagpakita ng hirap ng isang ina na mawalay sa kanyang anak.

Nalaman ng KAMI na ang nanay na ito ay isang overseas Filipino worker (OFW) at bumalik siya sa Pinas matapos ang dalawang taong pakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Ayon sa video na ibinahagi ng netizen na si Mariabel Delapeña Rustia sa Facebook, iniwan niya ang kanyang anak sa mga magulang niya noong 7 months pa lamang ito.

“Pero nung nasa Saudi pa ako.. Tanggap ko na talaga na pagka uwi ko dito sa, pinas. Na talagang hindi na ako kilala ng anak ko. Dahil 7 months pa, lang iniwan ko na sya sa parent ko,” giit nito sa caption.

Kwento ni Mariabel, akala niya ay makakaahon ang kanyang pamilya sa hirap dahil sa pagtatrabaho nito sa abroad. Subalit, mas masakit umano ang naging kapalit nito.

“Pero ang mas masakit after two YEARS buhay ofw. Pag uwi ko dito sa pinas di na ako kilala ng anak ko,” sabi niya.

“Kasi iba na ang kinikilala nya mga MAGULANG.. ang nag alaga sa kanya from 7 months to 3 years old ay ang kanyang Lolo at Lola. Masakit Pero kelangan ko tanggapin,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Payo ni Mariabel sa ibang mga OFW na tulad niyang may baby, huwag na raw patagalin pa ang pagtatrabaho sa ibang bansa.

“Wag nyo na patagalin pa dyan. Habang hindi pa huli ang lahat. Kung may isang opurtunidad na dumating sa inyo dyan habang andyan pa kayo. Sunggaban nyo.. Grab nyo na,” giit niya.

“Kung Alam nyo naman yung aportunity na yun.. Sya magpapauwi sa inyo dito. AT di nyo na kelangan pa ulit mg abroad at iwan yung mga mahal nyo sa buhay dito sa pinas,” dagdag pa nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Showbiz Kami: Second Time Dad, Confused Liza Soberano And More– on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel