Siya pa ang matapang! Nagpa-utang, walang awang tinaga ng nanghiram sa kanya

Siya pa ang matapang! Nagpa-utang, walang awang tinaga ng nanghiram sa kanya

- Viral ang post tungkol sa babaeng naningil ng utang ngunit sinaktan pa ng pinahiram niya

- Maayos naman daw na pinahiram ang babae na nakatira pa sa condominium ngunit di na ito marunong magbayad

- Nang siya ay sinisingil na, nagbanta pa ito na huwag pupunta sa kanyang condo kung ayaw masaktan ng nagpa-utang`

- Dahil sa kailangang na rin ng pera ng nagpahiram, pinuntahan niya ang kinaroroonan ng pinautang niya kaya naman tinotoo nito ang kanyang banta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang babaeng nagmaganda na nga ng loob na magpa-utang, siya pa ang nasaktan ng kanyang pinahiram.

Ayon sa post ng netizen na si Fran Rusti, nangumusta ang isang babaeng tinawag pa ang kanyang hiniraman na 'Bes'. Gaya nang karanasan ng iba, ang kasunod na nito ay ang panghihiram ng pera.

Maayos naman daw na nagpahiram si "Bes" sa pag-aakalang maayos niya rin itong masisingil.

Ngunit dahil kinailangan na rin ni "Bes" ang pera, nakiusap pa siyang bayaran na ng nanghiram.

Sa kasamaang palad, nagbanta na agad ang humiram ng pera at sinabing kung pupuntahan siya sa condo na tinitirhan, sasaktan niya ito.

Bayad-bayad kasi bes! Nagpa-utang, walang awang tinaga ng nanghiram sa kanyang di nagbayad

source: Fran Rusti Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagpunta pa rin ang nagpautang upang maningil. Tinotoo nga ng humiram ang kanyang banta at pinagtataga ang kaawa-awang hiniraman.

Nagtamo ng sugat sa may leeg, sa palad at braso ang babae kaya naman duguan ang sahig ng condo.

Maging babala ito sa mga taong nagpapahiram ng pera. Huwag basta magtiwala kahit pa kakilala mo na ng husto ang pahihiramin.

Mainam na pagbigyan nga ito at kung alam na wala itong kapasidad na magbayad ng halagang hinihiram, pahiramin na lang ito ng halagang pwede rin ibigay lamang upang di rin mahirapan sa paniningil.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel